29.9 C
Manila
Huwebes, Oktubre 10, 2024

Pagsulong ng kapayapaang pang-industriya

- Advertisement -
- Advertisement -

PINANGASIWAAN ni Department of Labor and Employment Undersecretary for Labor Relations, Policy and International Affairs Cluster Benedicto Ernesto Bitonio, Jr. (itaas na larawan, una sa kaliwa) ang paglagda sa Collective Bargaining Agreement (CBA) para sa taong 2021- 2026, sa pagitan ng Manila Peninsula Hotel Inc. at ng Peninsula Employees Union-National Union of Workers in Hotel Restaurant and Allied Industries (Union) noong ika-6 ng Nobyembre 2023, sa DoLE Central Office sa Intramuros, Manila.

Nakabalangkas sa CBA na tatanggap ang Unyon ng kabuuang halaga na P3,013,100.00 para sa isang beses na tulong pang-ekonomiya at pagtaas ng suweldo ng mga empleyado na ipinamahagi sa ika-10 ng Nobyembre 2023. Ipinaliwanag ni Undersecretary Bitonio na ang DoLE ay namagitan sa alitan sa paggawa para sa layunin nitong protektahan ang trabaho ng mga empleyado at hindi upang pigilan ang kanilang karapatang magwelga. Sinaksihan ng mga kinatawan ng DoLE Legal Service at ng Sheriff ng DoLE-NCR ang naganap na paglalagda. (Kuha ni Alejandro Echavez, DOLE-IPS)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -