26.1 C
Manila
Lunes, Oktubre 7, 2024

IronKids, Ironman 70.3 matagumpay na isinagawa sa Puerto Princesa

- Advertisement -
- Advertisement -

ANG kauna-unahang IronKids sa lungsod ay isinagawa sa Balayong People’s Park kung saan nasa 125 mga bata na may edad anim hanggang 15 taong gulang ang sumali dito. Isinagawa ang IronKids at Ironman 70.3 Puerto Princesa noong Nobyembre 11 at 12.

Ilan lamang ang mga batang ito sa sumali sa IronKids na ginanap sa Lungsod ng Puerto Princesa. Sila ay sa kategoryang 6  to 8 years old. (Larawan ni Orlan C. Jabagat/PIA Palawan)

Nahati ito sa kategoryang 6-8 years old, 9-10 years old, 11-12 year old at 13-15 years old. Bagaman walang premyo ang nanalo dito ay naging masaya naman ang mga batang nakapagtapos ng karera at nakatanggap ng finisher medal.

Samantala, ang Ironman 70.3 na tinaguriang Asia TriClub Championship ay ikalawang taon na kung saan ang pamahalaang panlungsod ng Puerto Princesa ang naging punong abala.

Nasa 39 na mga mga bansa na binubuo ng mahigit 600 mga manlalaro ang sumali dito. paligsahan ang mga ito bilang indibiduwal, mayroon ding relay na pinaghalong mga babae at lalaki, purong babae at purong lalaki.

Nagsimula ang karera ng mga ito sa pamamagitan ng paglangoy sa Puerto Princesa Bay na may layong 1.9 kilometro, sinundan ng pagbiseklita mula Baywalk patungong Iwahig at pabalik ng Puerto Princesa Sports Complex na may layong 90 kilometro at ang pagtakbo mula Sports Complex patungong Malvar Street at pabalik ng Sports Complex para sa finish line na may layong 21 kilometro.

Ilan sa mga bansa na sumali dito ay ang America, China, Japan, The Netherlands, Pilipinas at iba pa.

Ang TRI SND Barracuda ang itinanghal na over-all Champion ng Ironman 70.3 Puerto Princesa. Tumanggap ito ng P500K na cash prize at trophy mula sa Pamahalaang Panlungsod. (Larawan mula sa Ironman 70.3 Puerto Princesa)

Sa pagtatapos ng karera, ang TRI SND Barracuda ang itinanghal na over-all Champion ng Ironman 70.3 Puerto Princesa. Tumanggap ito ng P500K na cash prize at trophy mula sa Pamahalaang Panlungsod.

Si Leyann Ramo naman ng TRI SND Barracuda ang naging Top Female racer sa oras na 5:02:56 at si Satar Salem ng TRI SND Barracuda rin ang naging Top Male racer sa oras na 4:22:25, pumangalawa ni Junyo Cao ng China at pumangatlo naman si Erik Van Der Linden ng The Netherlands.

Ang mga aktibidad na ito ay bahagi pa din ng pagdiriwang ng Subaraw Biodiversity Festival 2023 na hangad ng pamahalaang panlungsod na maging international event ito.

Hangad din ng pamahalaang panlungsod na makilala ang Puerto Princesa bilang sports capital ng bansa. (OCJ/PIA MIMAROPA – Palawan)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -