32.2 C
Manila
Sabado, Oktubre 12, 2024

MR DIY, Jetour Auto PH Inc magkatuwang para sa isang Holi-DIY Raffle Promo

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGSAMA para sa isang masaya at makabuluhang proyekto ang MR.DIY at Jetour Auto Philippines Inc sa MR.DIY Holi-DIY Spend & Win Raffle Promo. Simula ito ng marami pang kolaborasyon at inobasyon ng dalawang nangungunang kompanya sa kanilang mga industriya. Ang pagtutuwang na ito ay inaasahang magbibigay daan sa mas masayang pamimili sa MR.DIY at lalong pang de-kalidad na karanasan sa pagmamaneho ng kanilang mga masugid na mga customers.

Ang paglagda sa kasunduan na ginanap sa  MR.DIY Ayala Malls Feliz Branch mula sa kaliwa: Mark Muhaymin, retail head  ng MR.DIY Philippines; Charles Salecina, senior marketing manager ng MR.DIY Philippines; Yves Licup, presidente Jetour Auto Philippines Inc.; at Cherry May De Los Santos, marketing director ng Jetour Auto Philippines Inc.

Ang pormal na paglagda sa kasunduan na ginanap noong Oktubre 10, 2023 ay dinaluhan ng mga opisyal ng dalawang organisasyon.

Sina Charles Salecina, senior marketing manager ng MR.DIY Philippines, at  Yves Licup, presidente ng Jetour Auto Philippines Inc., ang kumatawan sa kanilang mga kompanya. Dumalo rin sina Mark Muhaymin, retail head ng MR.DIY Philippines, at Cherry May De Los Santos, Jetour Auto Philippines Inc. marketing director.

Tampok sa pagtutuwang na ito ang MR.DIY Holi-DIY Spend & Win Raffle Promo kung saan ang mga lalahok ay magkakaroon ng pagkakataon na manalo ng grand prize — isang bagong Jetour X70 Travel.

Ang mid-size na SUV, na isang family hauler, ay may kapasidad na hanggang pitong pasahero at may third-row na upuan. Sa ilalim ng hood, ang X70 Travel ay pinapagana ng isang 1.5-litro na turbocharged na gasoline engine, na gumagawa ng 145hp at 230Nm ng torque, na nakadirekta sa mga gulong sa harap sa pamamagitan ng eight-speed automatic transmission.

Kilala na sa home improvement retail industry, ang MR.DIY ay mayroong 3,000 tindahan na sa buong Southeast Asia, kabilang ang may 400 tindahan sa buong Pilipinas. Ang kanilang hindi natitinag na pangako ng kaginhawahan ng customer at pagiging affordable  ng kanilang mga produkto ay makikita sa kanilang malawak na hanay ng produkto, na sumasaklaw sa hardware, sambahayan at muwebles, elektrikal, stationery, kagamitang pang-sports, at iba pa. Ang motto ng kumpanya na, “Laging Mababang Presyo,” ay sumasalamin sa dedikasyon nito sa makapag-bigay ng mga de-kalidad na produkto sa mapagkumpitensyang presyo.

Sa kabilang banda, ang Jetour ay may dalawang dekada na ng karanasan sa automotive engineering sector. Bilang isang nakikilalang SUV brand, ang Jetour ay kilala sa buong mundo sa kanilang mga de-kalidad na mga model, malakas na teknolohiya at kakayahan sa R&D at sa pag-deliver ng mga di-pangkaraniwang karanasan sa pagmamaneho.

Para sa iba pang detalye, bisitahin ang www.mrdiy.com/ph o sundan ang /mrdiyPH sa Facebook, at @mrdiy.philippines sa Instagram at  TikTok. Maaari ring bisitahin ang mga MR.DIY na mga tindahan sa buong Pilipinas o di kaya ay ang website nito na https://www.mrdiy.com/ph/storelocator.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -