29.9 C
Manila
Huwebes, Oktubre 10, 2024

Pagpapalabas ng P3 bilyong karagdagang pondo para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation Program ng DSWD, aprubado na ng DBM

- Advertisement -
- Advertisement -

PARA patuloy na mabigyang tulong ang mga indibidwal at mga pamilyang nangangailangan, inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng karagdagang pondo na nagkakahalagang P3 bilyon para sa kinakailangang budget para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

Inaprubahan ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) at kaukulang Notice of Cash Allocation (NCA) nito noong ika-16 ng Nobyembre 2023.

“In adherence with President Ferdinand R. Marcos Jr.’s directive, we will continue to strengthen social protection measures for our kababayans, especially the marginalized and vulnerable sectors. Alam at naiintindihan po namin na malaking tulong po ang programang ito sa mga kababayan nating nangangailangan,” ayon kay Secretary Pangandaman.

Isa ang AICS sa mga mahahalagang serbisyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagbibigay ng medical assistance, burial, transportation, education, food, at financial assistance para sa iba pang serbisyo at pangangailangan ng isang indibidwal o pamilya.

Ang pagpapalabas ng karagdagang pondo ay nakaangkla sa special provision ng 2023 General Appropriations Act (GAA) na nagsasaad ng paggamit Unprogrammed Appropriations (UA). Ayon sa nasabing special provision, may nakalaang pondo na maaaring gamitin para bigyang suporta ang infrastructure projects at social programs, kabilang na ang pagbibigay ng financial assistance sa mga indibidwal o pamilyang nangangailangan.


Batay sa Special Provision No. 1 ng UA, ang halaga na nakapaloob dito ay maaari lamang magamit kapag may bago o sobrang revenue collections.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -