30.8 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

‘Outdated PCOS machine, ibibigay ng Comelec sa DepEd, PRC

- Advertisement -
- Advertisement -

TINITINGNAN ng Commission on Elections (Comelec) na i-turn over sa Department of Education (DepEd) o sa Professional Regulation Commission (PRC) ang kanilang “aging” precinct count optical scan (PCOS) machines at vote counting machines (VCMs) na ginamit sa limang pambansang halalan.

Sa ginanap na budget plenary debates nitong Lunes, nagtanong si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel 3rd tungkol sa mga makinang hawak pa rin ng Comelec ngunit hindi ginagamit para sa halalan dahil “outdated na” ang mga ito.

“Hindi na magagamit para sa eleksyon, baka puwedeng gamitin ng ibang ahensiya ng pamahalaan,” ani Pimentel. (“Unusable for the purposes of our elections. Baka (Maybe) could these be usable for other agencies or governments?”

Iniulat ni Senator Imee Marcos, na nag-sponsor ng panukalang 2024 budget ng Comelec, na ang poll body ay kasalukuyang may hawak ng 80,000 PCOS machine at 97,000 VCM na nakaimbak sa Comelec warehouse sa Laguna.

“May mungkahi na ang DepEd o PRC ang kumuha sa kanila para i-check ang lahat ng mga pagsusulit at iba pang aplikasyon sa parehong ahensya. So, pinag-uusapan ‘yan,” saad ni Marcos.

Aniya, gumastos ang Comelec ng P19.7 bilyon para sa PCOS at VCMs mula nang makuha ang mga ito noong 2010 hanggang 2022.

“P7 bilyon noong 2010, ‘yung naka-allot (that was allotted). Noong 2016, P10.9 bilyon. Nung  2019, P1.2 bilyon, 2022, P600 milyon. Patong-patong na rin ang gastos diyan ( Naiipon ang mga gastusin),” dagdag ni Marcos.

Nauna rito, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na hindi na magagamit ang mga makinang iyon at nag-imbita ng mga ahensya upang suriin kung magagamit nila ang mga ito.

Ang Comelec ay lumipat sa isang bagong automated poll system.

Para sa 2025 midterm elections, iminungkahi ng Comelec na mag-arkila ng 116,000 automated counting machines (ACMs) na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P19.8 bilyon kasama ang mga collateral tulad ng ballot boxes, ballot printing paper at SD card.

“Lease without option to purchase is being recommended because with all the expenses that we have made in the past, hindi na sila magamit. Hindi na sila up to date. So, mas maigi upahan na lang kada (these are unusable. These are not up to date. So, it is better to lease every) election,” pahayag ni Marcos.

Sa tintingnan sa humigit-kumulang 71 milyong botante sa 2025, iminumungkahi ng Comelec na gumastos ng P27.2 bilyon sa susunod na taon upang matiyak ang maayos at mapayapang halalan sa hinaharap.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -