NANINIWALA si Department of Budget and Management Secretary Mina Pangandaman sa kahalagahan ng Open Government Partnership (OGP) sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Mindanao at sa pag-abot ng bansa ng inaasam na socio-economic recovery.
Ang OGP ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang pag-iral ng transparency at full digitalization sa gobyerno upang aktibong makalahok ang mga mamamayang Pilipino sa pamamahala at paglikha ng mga pambansang polisiya.
“The call for open government and good governance must be stronger and louder here in Mindanao. Bilang isang taas-noong anak ng Mindanao, alam ko pong marami na tayong pinagdaanan para makamit ang kapayapaang ating tinatamasa ngayon. Ngayon, kailangan natin ang open government upang mapangalagaan at lalong mabigyang halaga ang tinatamasang kapayapaan,” pahayag ni Sec. Mina sa idinaos na final leg ng OGPinas! National Advocacy Campaign sa University of Southeastern Philippines, Davao City.
“Kaakibat po ng peacebuilding process ang pagsiguro na ang ating mga kapatid at kababayan sa Mindanao ay makakaahon sa kahirapang bunga ng ilang taong labanan. As such, I firmly believe that peacebuilding and socioeconomic recovery will be sooner achieved if we invest in inclusive, responsive, and accountable governance systems. We need to establish public trust in our institutions that will strengthen our commitment to carry our people forward into a peaceful future,” dagdag ng kalihim.
Kinilala rin ni Sec. Mina ang mahalagang kontribusyon ng mga Civil Society Organizations (CSOs), People’s Organizations, at ang mga aktibidad sa grassroots level upang isulong ang kapayapaan sa Mindanao.
“OGPinas, is for you — so that we can dialogue and work together towards transforming Mindanao from a land of promise to a land of promises fulfilled. To my fellow Mindanaoans, please please maximize this opportunity. Together, let us achieve our vision for an open government, and let us empower others through this platform to make the changes we all desire for lasting peace and prosperity in Mindanao—tungo po sa Bagong Pilipinas,”paghihikayat pa ni Sec. Mina.
Tinatayang dalawang-daang indibidwal mula sa mga rehiyon sa Mindanao ang nakiisa sa nasabing aktibidad.