26.4 C
Manila
Miyerkules, Pebrero 19, 2025

Mga bagong halal na SK officials sa BARMM, sumasailalim sa mandatory training

- Advertisement -
- Advertisement -

KASALUKUYANG sumasailalim ngayon sa Sangguniang Kabataan Mandatory Training (SKMT) ang mga bagong halal na SK officials mula sa iba’t ibang lugar sa rehiyon ng Bangsamoro.

Ito ay upang mas mapahusay pa ang kanilang mga kakayahan at maging epektibo sa pagbibigay serbisyo sa kani-kanilang mga komunidad.

Sa ilalim ng Republic Act 10742 o ang SK Reform Act of 2015 at Bangsamoro Local Governance Code (BLGC), ang SKMT ay kinakailangan para sa SK officials at miyembro ng Local Youth Development Council (LYDC) bago sila manungkulan.

Sa rehiyon ng Bangsamoro ay abot sa 15,000 na SK officials ang inaasahang sasailalim sa SKMT bago magtapos ang taon.

Layunin ng pagsasanay na masiguro na ang mga bagong halal na SK officials ay handa sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad. Sinisiguro rin nito na mabibigyan sila ng mga mahahalagang kaalaman at kasanayan upang maipatupad ang kanilang mga tungkulin sa komunidad.

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Commissioner Nasserudin Dunding ng Bangsamoro Youth Commission (BYC) ang mga mahahalagang papel ng kabataang opisyal sa komunidad bilang mga lider.

Aniya, mahalagang naiintindihan ng mga ito ang malaking responsibilidad na kanilang ginagampanan, lalong lalo na ang pagsusulong ng kapayapaan sa komunidad.

Ang pagsasanay sa mga SK official ay pinangungunahan ng BYC at ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG). (LTB – PIA Cotabato City)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -