29.9 C
Manila
Huwebes, Oktubre 10, 2024

Bagong emergency facility, itinayo sa Catanauan

- Advertisement -
- Advertisement -

ISANG dalawang-palapag na multi-purpose evacuation center ang pinasinayaan kamakailan sa Barangay Madulao sa bayan ng Catanauan sa lalawigan ng Quezon.

Ang evacuation center ay ang ika-limang gusali na itinayo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) sa lalawigan ng Quezon na nagkakahalaga ng halos P50 milyon.

Ayon kay Catanauan Mayor Atty. Ramon Orfanel, makakatulong ng Malaki ang multi-purpose structure para matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa panahong kailangan ng agarang paglilipat ng mga tao sa ligtas na lugar.

“Ang pagkakaroon ng istrakturang tulad nito ay makakatulong sa pagtugon sa problemang iyon at mapahusay ang ating paghahanda sa emergency,” sabi ng alkalde.

Idinagdag ni Orfanel na kapag hindi ginagamit bilang evacuation site, ang multi-purpose center ay maaaring magsilbing venue para sa mga espesyal na aktibidad at maging bilang extension office ng Catanauan LGU.

“Ito ay tiyak na maglalapit sa mga serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan ng Barangay Madulao at sa mga residente ng mga kalapit na barangay. Napakalaki ng magiging kapakipakinabang ng gusaling ito sa amin. Ito ay talagang makatutulong sa atin na makapaghatid ng mas magandang serbisyo sa maraming tao sa ating bayan,” dagdag pa ng punong bayan.

Sinabi naman ni Madulao Barangay Captain Ricardo Agaton, na dumalo sa inagurasyon para sa pasilidad, na ang kanilang barangay ay masuwerte na napili bilang lugar kung saan itinayo ang multi-purpose building.

Aniya, ang Bagyong Glenda ang pinakamapangwasak na bagyong tumama sa bayan noong 2014, na nangangailangan ng paglikas ng libu-libong pamilya matapos ang kanilang mga tahanan at ari-arian ay nawasak ng malakas na hangin at malawakang pagbaha.

“Napakasuwerte namin na ang aming barangay ang napiling pagtayuan ng multi-purpose evacuation center ng Pagcor.

“Ngayon po ay mababawasan na kahit papaano ang aming pag-aalala sa kaligtasan ng aming mga mamamayan sa mga panahon ng kalamidad dahil may malapit, matibay at komportableng lugar na silang masisilungan kapag kailangan nilang lumikas,” ani Agaton.

Sa kasalukuyan, nasa kabuuang 37 na ang pasilidad na ang itinayo ng Pagcor sa buong bansa, habang 36 pa ang nananatiling under construction.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -