26.5 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Mayor Along at pamilya nanguna sa Christmas Lighting sa Caloocan

- Advertisement -
- Advertisement -
Caloocan Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan at ang kanyang pamilya sa ginanap na Christmas Tree Lighting sa lungsod.

PINAMUNUAN ni City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang Christmas Lighting Ceremony sa Caloocan Commercial Complex noong Disyembre 9 para pormal na ilunsad ang mga preparasyon sa pagdiriwang ng Kapaskuhan sa Caloocan.

“Ang pagpapailaw natin sa mga dekorasyon at Christmas tree ngayong araw ay simbolo ng ating pagsusumikap na paliwanagin din ang buhay ng bawat Batang Kankaloo sa Lungsod ng Caloocan,” sabi ni Mayor Along.

Hinimok din ng alkalde ang kanyang mga constitutent na lumahok sa mga programa ng inihanda para sa Kapaskuhan at ipinaalaala ang tunay na diwa ng Pasko.

“Abangan pa po ninyo ang iba pang mga programa natin ngayong Kapaskuhan hindi lang upang magbigay ng saya sa ating mga kababayan, kasama na rin po ito sa ating mga paraan upang makatulong na ipagdiwang ang Pasko sa ating mga komunidad,” sabi ni Mayor Along.

“Hiling ko po na sana lahat tayo ay huwag makalimot sa tunay na kahulugan ng Pasko: ang maging mapagmahal at mapagbigay sa ating mga kapwa, lalo na sa mga tunay na nangangailangan,” dagdag pa niya.

Itinampok sa Christmas Lighting ceremony ang bandang South Border at ang pagbubukas ng bazaar na itinatampok ang mga produkto ng Caloocan.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -