29.9 C
Manila
Huwebes, Oktubre 10, 2024

Mababang unemployment rate ng bansa, ikinatuwa subalit nag-iwan ng hamon ng dekalidad na trabaho

- Advertisement -
- Advertisement -

BUMABA sa 4.2 porsiyento ang unemployment rate sa bansa, mula sa 4.5 porsiyento na naitala sa kaparehong buwan noong isang taon, ayon sa pinakahuling ulat ng Latest Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sinabi ni Dennis Mapa, PSA national statistician, na ang numero ng mga walang trabaho ay bumaba sa 2.09 milyon mula sa 2.24 milyon noong Oktubre 2022.

Sa kabilang banda, ang headline inflation ng bansa ay lalong bumaba sa 4.1 porsiyento noong Nobyembre ngayong taon, mas mababa sa 8 porsiyento na nai-post sa parehong buwan noong nakaraang taon at ang 4.9 porsiyento na nairehistro noong Oktubre ng taong ito.

Larawan mula sa Presidential Communications Office

Ayon sa ulat ng The Manila Times, ikinagalak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang “remarkable progress” ng bansa sa ulat ng pinakahuling inflation at unemployment rate na bumaba sa kanilang pinakamababa mula noong Marso 2022 at Abril 2005, ayon sa pagkakabanggit.

“With great joy, I share the remarkable progress our nation has achieved. In October 2023, our unemployment rate hit a remarkable low of 4.2 percent, the lowest since April 2005, accompanied by a sharp decline in inflation to 4.1 percent in November 2023,” (“Di mapagsidlan ang aking kagalakan sa “kahanga-hangang pag-unlad” na natamo ng ating bansa. Noong Oktubre 2023, ang ating unemployment rate ay tumama sa napakababang 4.2 porsiyento, ang pinakamababa mula noong Abril 2005, na sinamahan ng matinding pagbaba ng inflation sa 4.1 porsiyento noong Nobyembre 2023, ” sabi ni Marcos sa isang statement.


“This is not just a number; it signifies the lives of millions of our fellow citizens who have found new opportunities,” (“Ito ay hindi lamang isang numero; ito ay nagpapahiwatig na milyun-milyong buhay ng mga kababayan natin ang nakahanap ng mga bagong oportunidad,”) dagdag ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na ang “dedikasyon ng gobyerno sa pagpapaunlad ng isang kapaligirang kaaya-aya sa kalakalan at pamumuhunan ay nagbubunga.”

“The journey ahead is promising, and I am confident that with your support, we will continue to build a resilient and prosperous Bagong Pilipinas (New Philippines)!” (“Ang ating paglalakbay sa hinaharap ay puno ng pag-asa, at tiwala ako na sa inyong suporta, patuloy tayong bubuo ng isang matatag at maunlad na Bagong Pilipinas!” sabi ni Marcos.

‘Dekalidad na mga trabaho’ hamon ng Pangulo

- Advertisement -

Sa kabila ng tagumpay na ito, nanawagan si Marcos sa lahat ng mga employer, manggagawa at iba pang stakeholder na manatiling nagkakaisa sa kampanya ng ganap na pagbangon ng labor market sa gitna ng mga hamon ng ekonomiya.

Sa kanyang mensahe sa “DOLE@90 Stakeholders Night: Gabi ng Parangal at Pasasalamat” sa Pasay City noong Disyembre 7, hinikayat ng Pangulo ang mga stakeholder na gumawa ng mas marami at mas mataas na kalidad na trabaho tungo sa “Bagong Pilipinas.”

“As we pursue a progressive and inclusive Bagong Pilipinas, I thus call on everyone  —  employers, workers, government and stakeholders alike — to remain united in ensuring the full recovery of the labor market,” (“Habang itinataguyod natin ang isang progresibo at inklusibong Bagong Pilipinas, nananawagan ako sa lahat — mga employer, manggagawa, gobyerno at mga stakeholder — na  manatiling nagkakaisa sa pagtiyak ng ganap na pagbangon ng labor market,” hamon ng Pangulo.

“So, let us continue to work together to produce not only more jobs but also quality and meaningful employment that will uplift the lives and dignity of every Filipino worker,” (“Kaya, patuloy tayong magtulungan upang makagawa hindi lamang ng mas maraming trabaho kundi mas de kalidad at makabuluhang trabaho na magpapaangat sa buhay at dignidad ng bawat manggagawang Pilipino,”) dagdag pa ng Pangulo.

Larawan mula sa TMT

Samantala, pinuri ni Marcos ang Department of Labor and Employment (DoLE) habang ipinagdiriwang nito ang ika-90 taon ng pagtataguyod ng kapaki-pakinabang na mga oportunidad sa trabaho at pagprotekta sa mga karapatan at kapakanan ng mga manggagawa.

Kultura ng sipag at talino

- Advertisement -

Samantala, pinuri ni Bulacan 6th District Rep. Salvador Pleyto si Pangulong Marcos sa sa likod ng mas malakas na ekonomiya habang tumaas sa 95.8 porsiyento, pinakamataas makaraan ang 18 taon.

“Who wouldn’t be happy with a 95.8 percent employment rate? This is the highest in 18 years. It exceeded the record in April 2005,” “Sino ba ang hindi matutuwa sa 95.8 percent na employment rate? Ito ang pinakamataas sa loob ng 18 taon. Lumagpas ito sa record noong Abril 2005,”) sabi ni Pleyto, miyembro ng House Committee on Agriculture and Food.

Gayunpaman, nagbabala si Pleyto sa pagdiriwang ng masyadong maaga, at sinabi na may higit pang mga hamon sa hinaharap ang pamahalaan.

Dapat aniyang tiyakin ng gobyerno na ang paglikha ng trabaho ay naka-pokus sa economic agenda nito at hikayatin ang kultura ng “sipag at talino (industriya at kaalaman)” sa mga manggagawang Pilipino.(Halaw sa ulat nina Catherine Valente at Red Mendoza, mga reporter ng The Manila Times)

 

 

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -