29.9 C
Manila
Huwebes, Oktubre 10, 2024

Planong pambobomba sa Central Mindanao area, isang fake news ayon sa NICA 12

- Advertisement -
- Advertisement -

MARIING itinanggi ni National Intelligence Coordinating Agency (NICA-12) Regional Director Eduardo Marquez ang impormasyong kumakalat sa social media tungkol sa umano’y planong pambobomba sa Central Mindanao.

Inilarawan niya ang impormasyon bilang fake news na kumakalat na ng ilang taon ngayon, lalo na tuwing panahon ng Pasko o sa paggunita ng mga malalaking insidenteng nagdulot ng labis na pinsala at hinagpis sa bansa.

Sinabi ni Marquez ang balita na ito na matagal nang kumakalat sa social media o kahit sa pamamagitan ng text message ay walang basehan kaya ito ay isang “tsismis” lamang upang takutin ang mga mamamayan.

Dagdag din niya na walang opisina ang NICA sa South Cotabato na syang ginawang basehan ng impormasyon kaya’t and nasabing balita ay kathang-isip lamang upang iligaw at linlangin ang taumbayan.

Samantala, itinatwa rin ni NICA 12 Asst. Regional Director Mike Marasigan ang “kunwaring intel” bilang isang fake news.
Aniya, ito ay kumakalat mula pa noong 2018, lalo na kung may mga panibagong insidente gaya ng pambobomba at iba pa. (HJPF – PIA SarGen)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -