28.6 C
Manila
Sabado, Oktubre 12, 2024

Energy transition plan kailangan sa gitna ng panawagan para sa coal phaseout – Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

INULIT ni Senador Win Gatchalian ang pangangailangan para sa isang hakbang sa energy transition sa gitna ng tumataas na panawagan para sa coal phaseout.

Muling inihayag ni Senator Win Gatchalian ang panawagan para sa energy transition measure sa gitna ng panawagan sa coal phaseout. Kuha ni Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN

“Mahalagang magpatupad tayo sa lalong madaling panahon ng isang energy transition measure upang ang pag-phase out ng coal, kasama ang pagpapalit nito, ay batay sa siyentipikong pag-optimize,” sabi ni Gatchalian. Matatandaang naghain ang senador ng Senate Bill No.157 o Energy Transition Act na lilikha ng isang Energy Transition Plan upang makamit ang planong phaseout ng fossil fuel plants at net zero emissions pagdating ng 2050.

Sa katunayan, ang pagbuo ng mas maraming renewable energy (RE) projects sa bansa ay inaasahang magpapababa sa halaga ng kuryente at titiyak ng sapat na suplay ng enerhiya, giit ni Gatchalian.

Idinagdag niya na kung walang batas para sa energy transition, maaaring hindi maipatupad ng bansa ang mithiin nitong i-phase out ang coal.

“Dahil boluntaryo ang pangakong pag-phase out ng coal, kailangang may sapat na polisiya na magbibigay ng insentibo para sa naturang hakbang,” paliwanag ng mambabatas.

“Kailangan nating maglagay ng mga insentibo para maipatupad nang maayos ang ating mga resolusyon na gumamit ng mas malinis na enerhiya,” giit niya.  Ang isang hakbang sa energy transition na epektibong magpapabago sa mga kasalukuyang pinagkukunan ng enerhiya ng bansa, ay magbibigay ng pinakamaraming benepisyo para sa mga mamimili.

Inihain din ni Gatchalian ang Senate Bill 485 o Act Enhancing The Implementation Of The Net-Metering Program, Amending For The Purpose Republic Act 9513, o The Renewable Act Of 2008. Ang panukalang batas na ito, na dinisenyo upang pasiglahin ang mas mataas na pamumuhunan sa sektor ng renewable energy, ay naglalayong alisin ang 100-kilowatt (kW) na ceiling sa generation facilities na maaaring lumahok sa net metering program. Sa ilalim ng mga umiiral na batas, pinapayagan ng net metering ang mga kalahok ng sarili nilang RE facilities na magbigay ng kuryente sa grid at ang kanilang kontribusyon sa common pool ng kuryente ay ibabawas mula sa kanilang pagkonsumo.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -