HUMIGIT-KUMULANG 200 benepisyaryong magsasaka sa Munisipalidad ng Pagsanjan ang ginawaran ng agricultural interventions noong Farmer’s Day na ginanap sa multi-purpose gym sa Brgy. Poblacion 2, Pagsanjan, Laguna noong ika-19 ng Disyembre 2023.
Ang mga ito ay binubuo ng drying net at drying canvass, farming inputs, farm ready seedlings, fruit trees, rotary cultivator, knapsack sprayer, crates, at mini hand tractor; pati na rin ang Ratsada Marketing Hub: Agri Tindahan Package na kinabibilangan ng chest freezer, crates, trays, at personal protective equipment (PPE).
Bago ito, noong nakaraang araw, ika-18 ng Disyembre sa ika-105 na Anibersaryo ng Pagkakatatag ni Rizal, 30 magsasaka mula sa munisipalidad ng Rizal ang nakatanggap ng drying net at drying canvass, farming inputs, farm ready seedlings, fruit trees, rotary cultivator, knapsack sprayer, crates, at mini hand traktor.
Ang mga pang-agrikulturang interbensyon mula sa pamahalaan ay naglalayong makatulong na maibsan ang kahirapan sa pamamagitan ng muling pagtatayo ng kabuhayan ng mga magsasaka, upang mapataas ang kanilang produktibidad at mapabuti ang mga aning agrikultura.