33.6 C
Manila
Martes, Mayo 20, 2025

Inday Sara Duterte Advocacy Foundation Inc patuloy sa paglilingkod

- Advertisement -
- Advertisement -

MASAYANG ibinalita ni Bise President Sara Duterte sa kanyang Facebook page na Inday Sara Duterte na patuloy ang paglilingkod ng Inday Sara Duterte Advocacy (ISDA) Foundation Inc. sa idinaos na Çhristmas Party ng grupo sa Bangkal, Davao City.

“Taos-puso po akong nagpapasalamat sa patuloy na ibinibigay na suporta ng Inday Sara Duterte Advocacy (ISDA) Foundation Inc. simula pa halalan noong Mayo 2022 magpahanggang ngayon na ako ay naging Bise Presidente at Secretary of Department of Education.”

Dagdag pa ni Inday Sara, “Masaya rin ako sa inihandog ng ISDA sa isang-daang pamilya ng mga kapatid nating Indigenous Peoples (IPs) mula sa boundary ng Davao City at Bukidnon.”

Paliwanag pa ng Bise Presidente, “Layunin ng ISDA na suportahan, isulong, at itaguyod ang kampanyang “Sara Cares.” Ito ay isang lokal na organisasyon na nabuo kung saan ang pangunahing inspirasyon ay ang aking pamumuno at ang intensyon na maihatid ang mga produkto, serbisyo, at access sa kalusugan doon sa mga malalayong lugar partikular na sa mga magsasaka at mangingisda.”

Himok niya, “Mga kababayan, patuloy tayong maging Matatag sa pagtaguyod ng isang Bansang Makabata at mga Batang Makabansa.”

Teksto at larawan mula sa Facebook page ni Inday Sara Duterte

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -