PINANGUNAHAN nina First Lady Liza Araneta-Marcos, Health Secretary Teodoro Herbosa, NGA at mga private sector representatives ang caravan ang paglulunsad ng pamahalaan ng programang LAB for ALL Caravan sa Quezon Convention Center sa Lucena, Quezon nitong Martes, ika-9 ng Enero, 2024.
Ang caravan na ito ay inisyatibo ng administrasyong Marcos upang magpaabot ng libreng serbisyong pangkalusugan kagaya ng pamamahagi ng libreng gamot, libreng salamin at konsultasyon sa mata, flu vaccination OB-GYN at ENT services, gayundin ang mga laboratory test services para sa puso, utak, at dugo.
Bukod sa patuloy na pagsuporta ng Department of Healht (DoH), nagpahatid din ng tulong at suporta ang iba pang mga ahensya ng gobyerno gaya ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda), Food and Drug Administration (FDA), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Department of Social Welfare and Development (DSWD),Department of the Interior and Local Government (DILG), National Housing Authority (NHA), Public Attorney’s Office (PAO), Department of Agriculture (DA), Commission on Higher Education (CHEd), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), lokal na pamahalaan ng Quezon, at maging ang pribadong sektor.
“Nagpapasalamat ang DoH sa administrasyon sa pagbubukas ng pintuan upang maipabatid ang iba’t ibang serbisyo ng gobyerno sa bawat mamamayan. Lubos din na ikinagagalak ng kagawaran ang pagtangkilik ng bawat Pilipino sa programa na ito na tiyak na makatutulong na mapabuti ang kani-kanilang mga kalusugan tungo sa Bagong Pilipinas… Kung saan Bawat Buhay ay Mahalaga!” pahayag ni Health Secretary Herbosa.
Teksto at larawan mula sa Facebook page ng Department of Health