MARIING kinuwestiyon ni Sen. Maria Josefa “Imelda” Imee Marcos ang pagdating ng 39 milyong galon ng langis galing United States Navy sa Subic Zambales.

Humihiling ng paliwanag ang senador mula sa Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines sa mga langis na nanggaling sa Pearl Harbor sa Honolulu, Hawaii papuntang Subic na hindi designated sa site ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Dumating umano ito noong Enero 9, 2024.