IDINAOS kahapon, Enero 17, 2024 ang public hearing para sa Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA), ayon kay Senador Mark Villar.
Post niya sa kanyang Facebook page na Mark Villar, “ Nagkaroon po tayo ng public hearing kanina para sa Anti-Financial Account Scamming Act or AFASA. As we moved it to its close, we are now a few steps away from its deliberation in the Senate floor.”
Paliwanag niya, “AFASA is a legislative measure that we are currently pursuing as part of our efforts to combat the increasing cases of financial scams.” (Ang AFASA ay isang pambatasan na panukala na kasalukuyan naming ginagawa bilang bahagi ng aming mga pagsisikap na labanan ang dumaraming kaso ng mga pandaraya sa pananalapi.”)
Dagdag pa niya, “We need to strengthen our financial institutions para mapanatag ang ating mga kapwa Pilipino to conduct their financial transactions.”