AYON sa post ni Senador Risa Hontiveros tungkol sa Charter Change sa kanyang Facebook page, ito ang kanyang pahayag.
“Klaro ang daing ng taumbayan — patuloy na pagtaas sa presyo ng bilihin, kakulangan ng trabaho at kita ng manggagawa, sirang sistema ng pampublikong transportasyon, at isang pamahalaan na tila walang pananagutan at tugon sa mga totoo nilang pangangailangan.
“Mandato ng Saligang Batas na gawing prayoridad ng gobyerno ang pagpuksa sa kahirapan, paglaban sa ‘di pagkakapantay-pantay sa lipunan, pag-protekta sa karapatan ng manggagawa, at paniniguro na lahat ng Pilipino ay may oportunidad na pagandahin ang kanilang buhay.
“Ang solusyon dito — tapat na pamamahala at pagsasabuhay sa mga mandato ng 1987 Constitution, hindi ang pagwawaksi nito para pansariling interes.”