26 C
Manila
Huwebes, Disyembre 12, 2024

Pahayag ni Bise Presidente Sara Duterte hinggil sa alegasyong pagkakaugnay niya sa Davao Death Squad

- Advertisement -
- Advertisement -

NARITO ang pahayag ni Bise Presidente Sara Duterte tungkol sa pag-ugnay sa kanyang pangalan sa umano’y Davao Death Squad.

Post ng Bise Presidente sa kanyang Facebook page, “Sa mga taon na nagsilbi ako bilang Vice Mayor at Mayor ng Davao City, ni minsan ay hindi napag-usapan o naiugnay ang aking pangalan sa umano’y Davao Death Squad.

Subalit, matapos akong manalo bilang Vice President, bigla na lang nagkaroon ng testigo laban sa akin at ngayon ay kasama na ako sa mga akusado sa International Criminal Court. Hindi ko kailangan ng death squad para sa mga bagay na kaya kong gawin.

Gayunpaman, haharapin ko ang anumang akusasyon laban sa akin.

But I will only face any charge against me before a Filipino judge — and only before a Filipino court.

Hindi po ako lalahok o magiging parte ng isang prosesong hindi lamang magsasadlak sa kahihiyan sa bansa kundi dudurog din sa dignidad ng ating mga huwes, korte, at buong justice system ng Pilipinas.

Huwag nating ipahiya ang bansa sa buong mundo sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga dayuhan na manghimasok at makialam sa Pilipinas. Ang kahiligan na magpailalim sa mga dayuhan ay sampal sa mga bayaning Pilipino na nagbuwis ng kanilang buhay at lumaban para lang sa ating kalayaan.

Unahin muna natin ang Pilipinas.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -