NAGPALIWANAG ang Ikalawang Pangulo Sara Duterte hinggil sa pahayag ng kanyang kapatid na si Mayor Sebastian Duterte na magbitiw na si PBBM sa kanyang tungkulin.
Ito ang post ng Bise Presidente sa kanyang Facebook page na Inday Sara Duterte.
“I have not spoken to my brother about his remarks on the President’s resignation.
“I can only surmise that Mayor Sebastian Duterte is coming from a place of brotherly love, coupled by the common sentiment that I do not deserve the despicable treatment that I am receiving from some sectors within the circle of the President.
“Gayunpaman, naniniwala ako na ang boto ng taumbayan ay isang pagkakaloob ng tiwala na ako’y magtatrabaho at maninilbihan para lamang sa Pilipino. Kasama ng tiwalang ito, ang tiwalang kakayanin ko ang anumang atake, black propaganda, paninirang-puri, at iba pang mga hamon na ibabato sa aking pagkatao.
“Hindi man madali, patuloy akong kumukuha ng lakas at inspirasyon sa tiwalang ibinibigay sa akin ng ating mga kababayan. I take heart from the confidence of the people in my ability to work and thrive in a pandemonium.
“Sa kabila ng lahat, hindi ako kailanman panghihinaan ng loob. I will stay true to my work at the Department of Education, unless the President says otherwise.
“Uunahin ko ang Pilipinas.”