30.6 C
Manila
Biyernes, Disyembre 13, 2024

Pangulong Marcos makikiusap sa House na itigil ang People’s Initiative — Zubiri

- Advertisement -
- Advertisement -

SA kanyang post sa kanyang Facebook page, sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na nakausap niya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bago ito tumulak papuntang Vietnam at sinabi nito na gagawin ang kanyang makakaya para matigil na ang People’s Initiative.

Noong Lunes nagsuot ang mga senador at mga empleyado ng Senado ng maroon armbands bilang protesta sa “pekeng” initiative para sa tangkang Charter change. Larawan mula sa Facebook page ni Senator Migz Zubiri

Sabi ni Zubiri, “Nawa’y tuluyan nang mawakasan ang nakababahalang People’s Initiative.Naka-meeting natin kanina si Pangulong Bongbong Marcos, na nangakong gagawin ang kanyang makakaya para matigilan na ang Pekeng Initiative na ito, na nabalot na sa gulo at kontrobersiya.”

Dagdag pa ng Senate President, “Ang magandang balita, ititigil na rin muna ng Comelec  sa kanilang pagtanggap ng mga pirma, para i-review ang kanilang rules sa ganitong sitwasyon.”

Nakiusap din siya sa publiko na maging mapagmasid at mapagbantay, “Pero nanawagan pa rin tayo sa ating mga kababayan—manatiling mapagmasid at mapagbantay sa lahat ng tangkang pataubin ang ating demokrasya. Maasahan ninyo na kasama niyo ang inyong Senado sa laban na ito!”

Paalala din niya, “Sa mga kababayan natin na nakuhanan ng pirma at gustong i-report ang kanilang karanasan, maaari po kayong lumapit sa inyong lokal na Comelec office para bawiin ang inyong pirma.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -