26.4 C
Manila
Huwebes, Disyembre 5, 2024

Bumaba muli ang real GDP sa 5.6% sa ikatlong quarter ngunit nanatiling mataas ang real Gross GNI growth sa 11.1%

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

BUMAGSAK muli ang Gross Domestic Product(GDP) growth sa 4th quarter dahil sa mataas na interest rate, mataas na inflation at matumal na exports of goods. Bumaba ang real GDP growth sa 5.6 porsiyento mula sa 6.0 porsiyento noong ikatlong quarter. Ngunit nanatiling double digit ang GNI growthf — 11.1 porsiyento noong ikaapat na quarter mula sa 12.1 porsiyento noong nakaraang quarter. Ang kaibahan ng GDP at GNI ay ang net factor income from abroad, ang kita ng mga manggagawa at namumuhunang Pinoy sa ibang bansa pagkatapos bawasin ang kita ng mga dayuhang mangagawa at namumuhunan sa Pilipinas. Lumakas ang net factor income from abroad ng 99.7 porsiyento noong ikaapat na quarter at umabot ang halaga nito sa P701.4 bilyon.

Ang mataas na inflation rate ang dahilan kung bakit ang household consumption ay dumausdos sa 5.3 porsiyento noong ikaapat na quarter, mas mataas nang bahagya kaysa ang 5.1 porsiyento noong ikatlong quarter.

Patuloy pa rin ang pagbaba bg exports of goods na umurong sa -11.6 porsiyento mula sa -2.3 porsiyento noong ikatlong quarter, Ngunit binawi nang kaunti ng exports of services ang kahinaan ng exports of goods. Patuloy ang double-digit na paglago ng exports of services na kinabibilangan ng call centers, business process outsourcing at turismo sa 12.3 mula sa 11.4 porsiyento. (Tingnan ang Table)

Ang pinakamalaking kaibahan sa ekonomiya noong ikaapat na quarter ay ang humina muli na government consumption na lumagapak sa -1.8 porsiyento mula sa paglago na 6.7 porsiyento noong ikatlong quarter. Ang isa pa ay ang malakas na paglago ng government construction sa tinatayang 25 porsiyento noong ikaapat na quarter, halos pareho sa 26.9 porsiyento noong ikatlong quarter.

Bumilis ang pag-implementa ng pamahalaan ng mga infrastructure projects noong huling kalahati ng taon dahil sa magandang panahon. By sector, mabagal pa rin ang agrikultura na lumago nang bahagya sa 1.4 porsiyento. Tumabla ito sa 1.4 porsiyento na pagtaas ng populasyon kaya huminto nang bahagya ang pagtaas ng presyo ng pagkain.


Ngunit humina muli ang lakas ng industrya sa 3.2 porsiyento mula sa 5.6 porsiyento noong

ikatlong quarter. Dahil ito sa construction na humina nang bahagya sa 10.1 porsiyento mula sa 12.6 porsiyento noong nakaraang quarter at electricity, gas and water na bumaba sa 6.4 porisyento mula sa 6.7 porisyento noong ikatlong quarter.

Ang services sector ang nanatiling pinakamalakas na sector na lumago nang mas malakas sa 7.4 porisyento kumpara sa 6.8 porsiyento noong ikatlong quarter.

Malago pa rin ang mga hotel at restaurants na lumago nang 19.2 porsiyento, mas mabagal nang bahagya kaysa 21.0 porsiyento noong ikatlong quarter, 27.2 porsiyento  noong ikalawang quarter at 27.8 porsiyento noong unang quarter. Ganoon din ang transportation and storage na bahagya ring bumagal sa 9.7 porsiyento at naging single-digit na rin ang paglago. Lumakas ang mga bangko at seguro na lumago nang 11.8 porsiyento, mas mataas kaysa sa 9.6 porsiyento noong ikatlong quarter dahil nakinabang sila sa pagtaas ng interest rates. Dahil hindi naman tumataas ang ratio ng kanilang bad loans, patuloy ang pagtaas ng loan accommodations nila.

- Advertisement -

Tumaas nang kaunti ang mas malaking basket na GDP-based inflation mula sa 3.4 porsiyento noong ikatlong quarter sa 3.5 porsiyento noong ikaapat na quarter. Dahil bumababa ang inflation ay puwede nang bawasan ang interest rates na siyang sanhi ng pagbagal ng ekonomiya ngayong taon.

Kasama ng services sector, malaking tulong sa ekonomiya ang patuloy na pagtaas ng net primary income from the rest of the world na kinabibilangan ng OFW remittances. Umabot sa 112.5 porsiyento ang paglago nito sa ikatlong quarter. Dahilan nito, ang Gross National Income (GNI) ng bansa ay lumago sa 12.1 porsiyento, isa sa mga pinakamataas sa buong mundo. Ito ang dahilan kung bakit patuloy na mataas ang kumpiyansa ng investors at sa ating ekonomiya.

Kailangang lumago sa 7.2 porsiyento ang ekonomiya sa ikaapat na quarter para maabot ang low-end real GDP target na 6 porsiyento. Kailangang lampasan nito ang 7.1 porsiyento paglago na naitala sa ikaapat na quarter ng 2022.

ECONOMIC GROWTH, BY SECTOR 2023
Real Growth in % Q1 Q2 Q3 Q4
GROSS NATIONAL INCOME 10 8.6 12..1 11.1
Net primary income from the rest of the world 82.4 90.7 111.1 97.7
GROSS DOMESTIC PRODUCT 6.4 4.3 6.0 5.6
AGRICULTURE 2.2 0.2 0.9 1.4
INDUSTRY 4.0 2.1 5.6 3.2
    Mining & Quarrying -2.2 -2.9 4.5
    Manufacturing 1.9 1.1 1.8 0.6
    Electricity 7.2 4.7 6.7 6.4
   Construction 11.1 3.6 14.2 8.5
SERVICES 8.4 6.1 6.8 7.4
ECONOMIC GROWTH, BY EXPENDITURE SHARE
HOUSEHOLD CONSUMPTION 6.4 5.5 5.1 5.3
GOVERNMENT CONSUMPTION 6.2 -7.1 6.7 -1.8
GROSS CAPITAL FORMATION 12.6 0.3 -1.4 11.2
    GROSS FIXED CAPITAL FORMATION 10.9 4.0 8.1 10.2
    Construction 14.6 2.4 12.6 10.1
    Durable Equipment 8.1 10.5 1.7 14.6
EXPORTS OF GOODS & SERVICES 1.0 4.4 2.6 -2.6
   Exports of goods -14.9 -0.9 -2.3 -11.6
   Exports of services 20.2 10.4 11.7 12.3
Source: Philippine Statistics Authority
- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -