26.4 C
Manila
Huwebes, Disyembre 5, 2024

Pahayag ni Sen Hontiveros sa pag-aresto kay Director Jade Castro

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBIGAY ng kanyang pahayag si Senator Risa Hontiveros sa pagka-aresto kay Director Jade Castro nitong Pebrero 13. Nagsumite rin siya ng resolusyon para maibestigahan ang naturang pangyayari.

“Kahit kailan, sa anumang panahon, mali ang ‘aresto now, paliwanag later,’ tulad ng sinapit ni Direk Jade Castro at ng tatlo niyang kasamahan sa bayan ng Catanauan, Quezon.

“Kaya naghain ako ng Proposed Senate Resolution No. 928, para imbestigahan ang kontrobersyal na warrantless arrest ng apat. Warrantless arrests are limited by law to protect the rights of persons and to maintain the integrity of our legal system.

“Mismong mga LGU officials ng Mulanay, Quezon ang nagsabi na nasa kabilang bayan noon sila Direk Jade, at may CCTV na nagpapatunay diyan. Pero iginigiit ng PNP na hindi daw pwedeng pagkatiwalaan ang CCTV ng lokal na pamahalaan. Hindi lang nakaka-alarma ang pahayag na yan mula sa mga tagapagpatupad ng batas, nakakabawas rin ito ng tiwala ng publiko.

“Tututukan ng Senado ang isyu na ito upang maisulong ang katotohanan, at masigurong naipapatupad nang tama ang batas para sa lahat.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -