28.6 C
Manila
Sabado, Oktubre 12, 2024

75 na munisipyo sa buong bansa, bibigyang-pondo ng DBM para magka-access sa malinis na tubig

- Advertisement -
- Advertisement -

SA isang makasaysayang hakbang, inilunsad ng Department of Budget and Management (DBM) ang isang bagong program nito, ang Local Government Support Support Fund – Support and Assistance Fund to Participatory Budgeting (LGSF-SAFPB ), kasama ang Department of the Interior and Local Government (DILG), sa Cebu City.

Layunin ng LGSF-SAFPB na tugunan ang malubhang pangangailangan ng iba’t-ibang munisipalidad sa buong bansa para sa malinis na tubig, access sa sapat na sanitasyon at kalinisan para sa lahat, at pagtapos ng open defecation bago ang taong 2030.

“Mayroon po tayong bago tayong programa— ang Support and Assistance Fund to Participatory Budgeting, kung saan naglaan po ang DBM ng 1 bilyong piso para sa 4th, 5th and 6th municipalities, para magkaroon ng malinis na tubig ang ating mga kababayan,”  saad ni Secretary Mina Pangandaman sa isang panayam.

Ang SAFPB ay isang “brainchild” program ng DBM, na siyang tugon ng ahensya sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking magkakaroon ng access sa malinis na tubig ang lahat ng ating mga kababayan. Ito ay alinsunod din sa panawagan ni Pangulong BBM para sa isang Bagong Pilipinas na naglalayong tiyakin na malinis at ligtas ang inuming tubig at sanitasyon para sa kalusugan ng bawat mamamayan.

“We believe that ensuring sustainable water supply and sanitation services in local government units is key to Philippine development, human development, public health, and poverty reduction,” pagbibigay-diin ni Sec. Mina.

Ang SAFPB ay bahagi ng kampanya ng DBM para sa pagsusulong ng participatory budgeting at Open Government, kung saan nagtutulungan ang gobyerno at mga Civil Society Organizations sa pag-identify, implement, at pag-monitor ng mga programa at proyekto ng pamahalaan. Bunga rin ito ng pag-aaral at pakikipag-usap ng DBM sa World Bank upang matulungan ang bansa na makamit ang target nito sa ilalim ng mga identified sustainable development goals.

Pitumpu’t limang (75) munisipalidad ang makikinabang sa programa na may kabuuang budget na P1 bilyong piso sa ilalim ng FY 2024  General Appropriations Act (GAA).

Ayon sa DBM Secretary, bawat isang munisipalidad ay tatanggap ng P6-13 Million milyon para sa konstruksyon ng kanilang mga inihandang water supply at sanitation projects.

Ang programang LGSF-SAFPB ay nakatuon sa mga munisipalidad na kinikilala bilang 4th, 5th, at 6th income class municipalities. Ang  income class ay tumutukoy sa kategorya ng mga munisipalidad sa Pilipinas. Ito ay binabatay sa kanilang ekonomiya, kakayahan ng pamahalaan, imprastraktura, kakayahan sa pagtugon sa kalamidad, at innovation. Ang mga natukoy na lugar sa programa ay madalas na nahaharap sa mga hamon kaugnay ng kakulangan sa tubig at sanitasyon.

Nakasama ni Sec. Mina sa  program launching sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin C. Abalos Jr. at iba pang mga opisyal mula sa DBM, DILG, Department of Environment and Natural Resources, National Economic and Development Authority, at iba pang sangay ng gobyerno.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -