26.5 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Maiinit na alegasyon ni dating Pangulong Duterte, tinugon ni PBBM

- Advertisement -
- Advertisement -

MULING bumanat si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ginanap na prayer rally ng kanyang spiritual adviser na si Apollo Quiboloy nitong Martes, Marso 12, sa Liwasang Bonifacio.

Sinabi ni dating Pangulong Duterte na ang pagtulak sa Charter change ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay upang mapahaba nito ang kanyang termino kagaya rin umano ng ginawa ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

“Ang una talagang gumalaw nito, iniba-iba niya, si Marcos.  Maniwala ka’t hindi, after a few decades, ang pangalawang taong gustong kumalkal ng Constitution natin, ay Marcos ulit,” sabi ni Duterte sa kanyang speech.

Dagdag pa niya, “One term lang ang President, six years, walang reelection kagaya sa akin. ‘Yong Constitution na inabot under which Marcos was elected, gano’n din, one term, six years.  Ito excuses na lang ito kagaya nito ni Marcos noon sa tatay niya.  Ang punterya talaga nila, ‘yong term extension.”


Ang Saligang Batas ng 1973 ay naipahayag ilang sandali pagkatapos ng deklarasyon ng batas militar ni Marcos Sr. Ang pansamantalang mga probisyon ng konstitusyong ito ay nagbigay-daan kay Marcos na magkaroon ng isa pang term extension bilang pangulo.

Ngayon, tinatalakay ng Kongreso ang mga pag-amyenda sa mga partikular na probisyon sa ekonomiya ng 1987 Constitution na ginawa pagkatapos ng Edsa Revolution na nagpabagsak kay Marcos Sr. Ngunit muling iginiit ni Duterte na ang mga pag-amyenda ay maaaring humantong sa isang madulas na dalisdis.

Hindi man sabihin na ito lang ang galawin namin, ‘pag nagalaw ‘yong Constitution, p***** i** walang makaka-para, lahat na, everything goes,” diin ng dating Pangulo.

- Advertisement -

Alegasyon ni Duterte, minaliit ni PBBM

Minaliit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga paratang ni dating Pangulong Duterte sa kanyang pagsuporta sa mga economic provision ng 1987 Constitution.

Sa isang press conference sa mga Pilipinong media sa ginaganap na tatlong-araw na pagbisita sa Germany, sinabi ni Pangulong Marcos na kailangan muna daw niyang ma-examine ang mga komento ni Pangulong Duterte, dahil alam niya na ang dating Pangulo ay paiba-iba ang mga pahayag.

“Na-co-confuse ako kay PRRD papalit-palit eh,” sabi ni Pangulong Marcos Jr.

“So, we will, tingnan ko muna kung ano ba talaga ang sinabi niya para maintindihan ko. I think, hindi ko talaga naintindihan kasi parang naiiba bawat salita niya iba. So I will try to make sense of it,” dagdag pa niya.

- Advertisement -

Walang personalan

Nilinaw din ni Pangulong Marcos Jr nitong Miyerkules na wala siyang personal na alitan sa dating Pangulong Duterte sa kabila ng magkakasunod na pagtirada nito sa kanya.

In an interview with the Philippine media on the sidelines of his three-day working visit to Germany, President Marcos said he knows how to handle personal issues, as well as other issues related to his work.

Sinabi rin niya sa isang panayam na alam niyang sagutin ang mga personal na isyu maging ang mga isyung may kinalaman sa trabaho.

“So, like I told you many times before, hindi ako namemersonal. Para sa akin, hindi naman madali, pero nahihiwalay ko ‘yung trabaho at saka ‘yung personal. So, I don’t see a problem there,” sabi ni Pangulong Marcos Jr.

Maaga ring binati ni Pangulong Marcos si dating Pangulong Duterte sa kanyang kaarawan sa Marso 28.

“Well, yes. We will, of course, wish him a happy birthday, and many happy returns. At talaga namang that is, alam mo naman tayong mga Pilipino ginagalang natin ‘yung mga very important occasions na ganyan,” sabi ni Pangulong Marcos.

“Like I told you before,  although there is an official greeting from the Office of the President, there will also be greeting, e personal ko namang kilala si PRRD,” sabi ni Marcos.

Pasyal nang pasyal

Tinawanan din ni Pangulong Marcos nitong Miyerkules ang huling tirada ni Duterte tungkol sa kanyang mga pagbisita sa iba’t ibang bansa na tinawag ng dating Pangulo na “pasyal nang pasyal.”

Ipinakita ni PBBM ang punong-punong schedule niya sa mga kausap na media at sinabing, “Here’s my schedule for today. Where is the pasyal? There’s none, you know… We don’t make pasyal.”

“Even in the places that I know where, I have spent a lot of time with, I haven’t visited because we’re here to do this,” dagdag pa niya.

Mula nang maging Pangulo noong Hunyo 2022, umalis na ang Pangulo  ng 19 na beses—11 sa huling 12 buwan noong isang taon.

Ang kanyang pagbisita sa Germany at Czech Republic ay ang ikalima at ikaanim na pagbisita sa ibang bansa ngayong 2024.

Bukod sa kanyang biyahe sa Canberra at Melbourne, Australia, bumisita rin ang Pangulo noong Enero Hanoi, Vietnam.

Dumalo rin siya sa kasal ni Prince Mateen, ang ika-10 anak ni Brunei’s Sultan Hassanal Bolkiah, sa Bandar Seri Begawan mga unang araw ng taon. Halaw sa ulat ng Presidential News Desk

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -