27 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

Napapanahong suporta mula kina Senador Alan at Pia, umabot sa mga MSME owners sa Gingoog City

- Advertisement -
- Advertisement -

“May mga panahon na may bagyo, hindi kami makakakuha ng isda, panay ulan, wala talaga, ang hirap talaga,” wika ni Analie Garcia Padigos habang inilalarawan ang mga hamon sa pagbebenta ng isda na kanyang ikinabubuhay.

Nag-aangkat ng isda si Analie at kanyang asawa sa karatig-lugar na ibebenta naman sa kanilang komunidad. Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain at iba pang mga pangangailangan, nagpapasalamat si Analie sa tulong na natanggap niya mula sa opisina nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano.

“Sa kanilang tulong, may pandagdag na po kami sa isda, pampuhunan,” sabi niya.

Noong April 12, 2024, 500 benepisyaryo na may Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa Gingoog City, Misamis Oriental ang tumanggap ng napapanahong tulong mula sa magkapatid na senador na magagamit upang lalong mapalago ang kanilang kabuhayan.

Plano naman ni Corazon Balaba na gamitin ang tulong na natanggap pangdagdag ng produkto sa kanyang sari-sari store.

“Y’ung natanggap ko, pandagdag sa negosyo, lalo na ngayon na gusto ko magtinda ng frozen goods,” aniya.

“Kami pong maliliit na negosyante, nagpapasalamat po kami kay Senator Alan at Pia Cayetano. Dahil po sa programang ito [livelihood assistance], marami po kayong natutulungan. Daghang salamat kaayo!” dagdag ni Corazon.

Natulungan ang mga may-ari ng maliit na negosyo sa Gingoog City, Misamis Oriental sa pakikipag-ugnayan ng magkapatid na senador sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

Layunin ng AICS na magbigay ng tulong sa mga indibidwal upang makabangon mula sa mahirap na sitwasyon o madagdagan ang kanilang oportunidad sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang kabuhayan.

Naging matagumpay ang programa sa Misamis Oriental sa pakikipagtulungan nila Mayor Eric Canoza, Board Member Bobet De Lara, at 1st District Representative of Misamis Oriental, Christian Unabia.

Patuloy na binibisita ng magkapatid na senador ang iba’t ibang lugar sa buong bansa para magbigay ng tulong na magagamit upang mapalago ang kabuhayan ng mga Pilipino at mapalawak ang kanilang pang-ekonomiyang oportunidad.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -