25.8 C
Manila
Martes, Disyembre 3, 2024

Dahilan kung bakit patuloy ang pag-akyat ng consumer inflation noong Marso 2024

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

ANO kaya ang prospects ng inflation sa mga susunod na buwan?

Umakyat muli ang year-on-year (YOY) inflation sa 3.7 porsiyento noong Marso mula sa 3.4 porsiyento noong Pebrero (Table 1). Ang dahilan ay ang patuloy na pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo at ang pag-akyat ng presyo ng pagkain dahil sa bigas.

Patuloy ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado, sa $84.70 bawat bariles noong Marso mula sa $81.18 noong Pebrero at $77.52/bariles noong Marso 2023. Ito’y nangangahulugan ng 9.3 porsiyento na paglago YOY at 4.3 porsiyento na paglago MOM. Dahil dito, itinulak paakyat ang gastusin sa transportasyon. Mula 1.2 porsiyento noong Pebrero, biglang sumipa ang inflation ng transportasyon sa 2.1 porsiyento.

Patuloy ang pagragasa ng presyo ng pagkain noong Marso. Mula 3.3 porsiyento noong Enero, rumatsada ito sa 4.8 porsiyento noong Pebrero at muling umakyat sa 5.7 porsiyento noong Marso. Umakyat ang presyo ng bigas at karne.

Di na naramdaman ang pagbagsak ng presyo ng isda, gatas, gulay at asukal. Malaki kasi ang bahagi ng bigas sa basket ng pagkain sa 25 kaya nangibabaw ang epekto nito sa buong index ng inflation.


Ang pagdagundong ng presyo ng bigas ay nagyayari sa buong mundo. Sa Pilipinas, umakyat ang farmgate price ng palay sa 38.6 porsiyento noong Pebrero, sa P25.21 bawat kilo mula P18.19 bawat kilo noong nakaraang taon, ayon sa report ng Philippine  Statistics Authority. Ang presyo naman ng regular-milled rice ay umakyat sa P 51.1 bawat kilo noong Marso 2024 mula P 39.90 noong nakaraang taon, 40.6 porsiyento na pag-akyat. Ganoon din sa presyo ng Thailand na umakyat din sa $613 bawat metriko tonelada mula $476, nangangahulugan ng 28.7 porsiyento na pag-akyat kapag dolyar ang ginamit na batayan o 31.2 porsiyento pag na-convert sa piso. Dahil ito sa paglala ng El Niño sa mga palayan sa maraming bansa kasama ang Pilipinas.

Taliwas sa pa-akyat ng consumer inflation, bumaba ang core inflation na siyang guide ng monetary authorities sa pagpatupad ng monetary policy. Tinatanggal kasi sa core inflation ang presyo ng mga magagalaw na presyo ng produktong petrolyo at pagkain.

Noong Marso, ang magagalaw na presyo ay ang pagkain at produktong petrolyo.

Taliwas din sa trend ng YOY inflation, bumaba ang month-on-month (MOM) inflation noong Marso sa 0.1 porsiyento mula 0.6 porsiyento noong Pebrero dahil ito sa mataas na inflation rate noong nakaraang taon. Noong Marso 2023, ang YOY inflation ay 7.6 porsiyento, ang pinakamataas na inflation rate mula noong 2006. Ito ay tinatawag na base effect — kapag  mataas ang pinagkukumparahan na lebel ng inflation noong nakaraang taon, malaki ang tsansa na mas mababa ang mako-kompyut na inflation ngayong taon.

- Advertisement -

Pag in-annualize ang 0.1 porsiyento na MOM inflation, ito ay aabot lang sa 1.2 porsiyento na mas mababa kaysa sa 2-4 porsiyento na usual na inflation target natin.

Sa pagkain, pababa ang trend ng MOM inflation mula 0.3 porsiyento noong Pebrero sa -0.3 porsiyento noong Marso. Ito ay seasonal na pagbaba. Sa Marso nag-uumpisa ang open season sa pangingisda; lumalabas na sa palengke ang ani ng gulay at mais pagkatapos ng pagtatanim pagka-ani ng palay. Mababa ang base ng presyo dahil sa mga ito. Ang ibig sabihin nito, ang buwan-buwang pagtaas ng presyo ng pagkain ay pabagal na ang takbo. Sa non-food category naman, bumaba ang MOM inflation nito mula 0.7 porsiyento sa 0.2 porsiyento. Hindi na masyadong gumagalaw ang MOM inflation ng housing at utilities, information and communication, furnishings, at transport. Tanging ang clothing and footwear at medyo gumalaw nang bahagya at umakyat sa 0.4 porsiyento.

Sa hinaharap, ang paggalaw ng presyo ay depende sa resulta ng food production program ng administrasyon sa gitna ng “moderate-to-strong El Niño. Dahil pahina na ang El Niño maaaring mawala ito sa dakong huli ng tagsibol, At dahil mataas ang mga presyo noong nagdaang mga buwan, inaasahang mag-decelerate ang inflation rate sa mga susunod na buwan.

Sa ganang produktong petrolyo naman, patuloy ang pagbaba ng mga presyo nito sa futures market na siyang nagbibigay-hudyat ng magiging presyo sa hinaharap. Ang presyo sa mga produktong ide-deliver sa Disyembre ay $82.44 bawat bariles, mas mababa kaysa sa presyo noong Marso na $84.7.

Table 1. CONSUMER PRICES  YEAR-ON-YEAR INFLATION   MONTH-ON-MONTH INFLATION        

 
   Enero  Pebrero  Marso    Enero  Pebrero  Marso
ALL ITEMS        2.8                3.4          3.7          0.6          0.6          0.1
 Core Inflation        3.8                3.6          3.4          0.4          0.3          0.2
I. FOOD AND NON-ALCOHOLIC BEVERAGES        3.5                4.6          5.6          0.8          0.3       – 0.3
   Food        3.3                4.8          5.7          0.8          0.3       -0.4
       Rice      22.6             23.7        24.4          2.3          1.0          1.0
       Meat    – 0.7                0.7          2.0          0.5          1.0          1.1
       Fish        1.2                0.7        -0.9          1.3          0.3     – 1.5
       Milk        5.6                3.5     – 0.3          0.2 – 0.3     2.3
       Vegetables    – 20.8         -11.0    -2.5 –        2.0 – 0.9    -5.9
        Sugar –      1.0    -2.4     -2.9 –        0.5 – 0.8     -0.5
        Corn  -4.3    -3.3 0.0          0.1          0.5 -2.6
II. ALCOHOLIC BEVERAGES AND TOBACCO        8.4                8.6      6.7          0.3          0.7          0.2
         
NON-FOOD        2.0                2.4          2.4          0.5          0.7          0.2
III. CLOTHING AND FOOTWEAR        3.8                3.6          3.6          0.3          0.3          0.4
IV. HOUSING, WATER, ELECTRICITY, GAS AND OTHER FUELS        0.7                0.9          0.5          0.8          0.8 0.0
V. FURNISHINGS, HOUSEHOLD EQUIPMENT AND ROUTINE HOUSEHOLD MAINTENANCE        3.9                3.3          3.2          0.3          0.4          0.3
VI. HEALTH        3.3                3.0          3.2          0.2          0.4          0.3
VII. TRANSPORT   -3.0                1.2          2.1             –            1.3          0.2
VIII. INFORMATION AND COMMUNICATION        0.5                0.4          0.4          0.1 0.0 0.0
Source: PSA              

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -