30.2 C
Manila
Linggo, Setyembre 15, 2024

Sec Mina Pangandaman, binati at malugod na tinanggap ang mga bagong LGU Members ng Open Government Partnership

- Advertisement -
- Advertisement -
NAGPAABOT ng pagbati at malugod na pagtanggap si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” Pangandaman, na siya ring chairman ng Open Government Partnership – Philippines (PH-OGP), sa apat na local government units (LGUs) mula sa Pilipinas na tinanggap sa Open Government Partnership.
Larawan mula sa Facebook page ni Amenah F. Pangandaman
Ang Open Government Partnership ay isang inisyatiba sa mga national at sub-national governments sa buong mundo na nagtataguyod ng transparency sa pamahalaan, at gumagawa ng mga hakbang upang labanan ang katiwalian at palakasin ang pamamahala.
Isa ang Pilipinas sa walong founding countries ng OGP kasama ang Brazil, Indonesia, Mexico, Norway, South Africa, United Kingdom at United States. Maliban sa mga national governments, mula noong 2016, nagbukas  ng membership ang OGP Local program  sa mga lokal na pamahalaan para sa mga hakbangin na nagsusulong ng mga halaga ng OGP na mas malapit sa mga tao.
Ngayon, inihayag na apat pang LGU mula sa Pilipinas ang miyembro na ng OGP: Tagbilaran, Larena, Quezon City, at Baguio. Ito ay inspirasyon ng kampanya ng OGPinas—isang kampanya sa buong bansa para isulong ang bukas na pamahalaan—sa pangunguna ni OGP-Philippines (PH-OGP) Chairperson Budget Secretary Mina Pangandaman.
Kasama ng apat na LGU ang South Cotabato, na tinanggap sa OGP noong 2018 at Borongan, na tinanggap noong 2020. Ngayong anim na ang mga LGU na bahagi ng OGP, masayang sinabi  ni Pangandaman, “I am happy that OGP is now present in NCR, Luzon, Visayas at Mindanao!!!”
Isa sa mga benepisyo ng pagiging miyembro ng OGP ay ang pagpapalakas nito sa partisipasyon ng civil society sa lokal na pagpaplano at pag-unlad upang mas mapabuti ang paghahatid ng basic services ng mga LGU.
“As Chair of the Philippine Open Government Partnership, I officially welcome Tagbilaran, Larena, QC and Baguio cities to OGP. This is a big boost to our campaign for open governance. I look forward to working with you in making our government more open, transparent and accountable,” ani Sec. Pangandaman.
Pinasimulan din ni Pangandaman ang institusyonalisasyon ng OGP noong nakaraang taon. “Open government in the Philippines has been gaining momentum with the backing of no less than our President Ferdinand R Marcos Jr. who issued the landmark Executive Order No. 31, s. 2023 institutionalizing OGP,” paliwanag ni Pangandaman. “With this EO, we are able to provide a solid policy and legal framework to ensure that the open government principles are embedded in programs and policies in all branches of government.” sabi pa ng Budget Secretary.
Idinagdag ni Sec. Mina na bilang chairman ng PH-OGP,  nais niyang makita na mas marami pang mga LGU sumasali sa partnership.”With more LGUs joining OGP, we strengthen our commitment to OGP even more,” pagbibigay-diin ni Pangandaman.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -