27.4 C
Manila
Lunes, Setyembre 9, 2024

Villar: BFAR, binigyan ng kasangkapan ang mga mangingisda para sa mas maraming huli

- Advertisement -
- Advertisement -

DAHIL nagmumula sa West Phippine Sea (WPS) ang malaking porsiyento ng ating isda, iginiit ni Sen. Cynthia Villar na kailangan ang “balikatan” para protektahan ito.

Sa kabila ng mga hamong kinakaharap ng sektor ng pangingisda, tiniyak ni Villar ang kanilang patuloy na pagsusumikap na bigyang prayoridad ang ating mga mangingisda.

“As chairperson of the Senate Committee on Agriculture, hold on to my goal of crafting laws to help in the fishing sector’s growth. Let us unite to alleviate the living conditions of our farners,” sabi ni Villar sa kanyang Keynote Address sa launching Layag-WPS Project sa Subic Gymnasium sa Zambales, nitong Martes, April 16.

 

“The Livelihood Activities to Enhance Fisheries Yields amd Economic Gains from the WPS or LAYAG-WPS Project was the result of the dedication of our government led by the Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, to address some of the most important needs of our fishermen particularly in the WPS.”

Umaasa si Villar na ang livelihood inputs na ipinagkaloob sa daan-daang mangingisda ay magreresulta sa masagana at sustainable fish catch sa ating territorial waters.

“DA-BFAR designed this livelihood involvement with the vision of uplifting the socio-economic status of every Filipino fisherfolk and their communities,” dagdag pa niya.

Ipinakikita rin sa launching ang mga pangako ng pamahalaan na bigyan ang ating mga mangingisda ng fishing gears at technology para paigtingin ang kanilang produksyon.

Layunin din nito na maibaba ang post-harvest losses; ilapit ang suporta ng pamahalaan sa fishing communities; itaguyod ang sustainable fisheries management base sa applicable na batas, codes, authorizations o rules at iangat ang fisheries production para makatulong sa adhikain ng pamahalaan na food security.

Sinimulan ng gobyerno ang proyekto upang mabigyan ng mabuting buhay ang ating mga mangingisda.

Binigyan diin niya na nais din ng pamahalaan na siguraduhin ang proteksyon at kapakanan ng bawat Pilipinong mangingisda.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -