27.4 C
Manila
Lunes, Setyembre 9, 2024

DoLE, nagsagawa ng oryentasyon ng Tupad sa 8 bayan sa Oriental Mindoro

- Advertisement -
- Advertisement -

DUMALO ang nasa 1,870 indibidwal na naapektuhan sanhi ng El Niño sa lalawigan mula sa mga bayan ng Pinamalayan, Mansalay, Gloria, Bansud, Socorro, Pola, Naujan at Roxas sa isinagawang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (Tupad) orientation ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong Abril 3-10.

Tinalakay ng mga Tupad coordinators ang dapat gawin ng mga benepisyaryo tulad ng pagsasaayos ng mga pampublikong gamit, paglilinis ng mga kalsada at kanal, at paghihiwalay ng mga basura. Gayundin ang pagtatanim ng mga puno upang mabawasan ang panganib at pinsala dulot ng tagtuyot.

Bawat benepisyaryo ay tatanggap ng sahod na P3,950 para sa 10 araw na gawain na sa kabuuang halaga ay P7,386,500 na may kasamang isang taon na accident insurance mula sa GSIS. Bukod dito ay makakatanggap din sila ng mga kagamitang pantrabaho tulad ng damit, sumbrero, guwantes at face mask.

Lubos ang pasasalamat ng mga Public Employment Service Office (PESO) managers ng bawat bayan na nabanggit gayundin sa kagawaran sa walang patid na suporta sa kanilang mga nasasakupan sa pamamagitan ng programang Tupad. (DN/PIA Mimaropa – Oriental Mindoro)

LARAWAN MULA SA DOLE ORIENTAL MINDORO

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -