27.8 C
Manila
Biyernes, Setyembre 13, 2024

Inflation rate sa Oriental Mindoro, tumaas noong Marso

- Advertisement -
- Advertisement -

AYON sa ulat kamakailan ng Philippine Statistics Authority (PSA) Oriental Mindoro tungkol sa galaw ng ekonomiya o inflation rate ng Oriental Mindoro, tumaas ito noong buwan ng Marso sa kasalukuyang taon.

Sa ulat ni Donna Marie D. Mobe, supervising statistical specialist ng nasabing tanggapan, sinabi nito na ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa probinsya ay bumilis sa antas na 3.1 porsyento. Naitala ang inflation sa antas na 2.1 porsyento at 10.0 porsyento.

Dagdag pa ni Mobe, ang inflation mula Enero hanggang Marso ay may antas na 2.6 porsyento dahil sa mabilis na pagtaas ng presyo ng mga pagkain at inuming hindi nakalalasing noong buwan ng Marso kumpara noong Pebrero. Ito ay nagtala ng 3.6 porsyento ng inflation at nagbahagi ng 71.9 porsyentong pagtaas sa pangkalahatang inflation sa probinsya.

Samantala, ang nag-ambag ng malaki sa pagtaas ng inflation para sa food at non-alcoholic beverages ay ang pagtaas ng halaga ng karne at iba pang bahagi ng mga kinatay na hayop tulad ng baboy sa antas na 1.7 porsyento mula sa mababang antas noong Pebrero na -3.0 porsyento.

Nakapagambag din sa pagtaas ng inflation ang mas mabilis na pagtaas ng mga gulay partikular ang kamatis, tubers, mga saging na niluluto at iba pa, sa antas na 6.7 porsyento mula noong buwan ng Pebrero na may antas na -3.4 porsyentong inflation.

Ang cereals naman at iba pang produkto nito ay nagbahagi rin sa pagtaas ng inflation na kabilang pa rin sa food at non-alcoholic beverages na may 12.4 porsyentong inflation ay ang bigas.

Pangalawa sa nag-ambag sa pagtaas ng inflation ay ang hanay ng pabahay, patubig, elektrisidad, gas, at iba pang uri ng langis na may 14.7 porsyento at pumangatlo ang tranportasyon na may 8.1 porsyento. (DN/PIA Mimaropa – Oriental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -