27.8 C
Manila
Biyernes, Setyembre 13, 2024

DBM Sec Mina, binigyang-diin ang pangako ng PBBM administration na tapusin ng matatag ang termino sa PH Dialogue sa Washington, D.C.

- Advertisement -
- Advertisement -
BINIGYANG-DIIN ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Mina Pangandaman ang adhikain ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patatagin ang pag-unlad ng ekonomiya at tugunan ang mahigpit na pangangailangan ng mamamayang Pilipino.
Ginawa ng Budget Secretary ang pahayag bilang isa sa mga panelist sa Philippine Dialogue, na isinagawa sa Washington, D.C., USA noong ika-17 Abril 2024.
“We started this administration very strong, and we are committed to finishing even stronger. We have a very good road map. Our Philippine Development Plan, our Medium-Term Fiscal Framework, which has been approved by both houses—the House of Representatives and the Senate of the Philippines. Rest assured that our budget will continuously respond to the most urgent needs of our countrymen,” pahayag ni Secretary Pangandaman.
Ang PH Dialogue ay isang pribadong pag-uusap sa pagitan ng mga economic manager at stakeholder ng Pilipinas na may tanggapan sa US.
Kasama ng Budget Secretary ang iba pang miyembro ng Philippine Economic Team sa pangunguna ni Finance Secretary Ralph Recto, kasama sina Secretary Arsenio Balisacan ng National Economic and Development Authority, at Deputy Governor Francisco Dakila, Jr. ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Si Secretary Pangandaman ay ang nag-iisang babaeng miyembro ng Philippine economic team at ang tanging Muslim na miyembro ng Gabinete ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Sa naturang diskusyon, inilatag ni Sec. Pangandaman ang mga polisiya at budget priority ng administrasyon na upang maging magandang magnet ang ekonomiya ng Pilipinas para sa dayuhang pamumuhunan.
Nangako rin ang Budget Secretary na higit na palalakasin ang pagsusulong sa pag-unlad ng kasalukuyang administrasyon sa pamamagitan ng mga programang pinamumunuan ng gobyerno, at paglalaan ng kinakailangang budget para matugunan ang pangangailangan ng mamamayang Pilipino.
Napag-usapan din  sa talakayan ang macroeconomic landscape ng Pilipinas; maging ang mga regulasyon at iba pang mga reporma na layong mapabuti ang kondisyon ng pagnenegosyo at gawing seamless para sa mga mamumuhunan na magnegosyo sa bansa. Dagdag pa, pinag-usapan din ang investment climate sa Pilipinas.
Malugod na tinanggap ni Ambassador of the Republic of the Philippines to the United States of America, Jose Manuel Romualdez, ang mga economic manager at humigit-kumulang 90 executives mula sa US-based funds and corporations, multilateral institutions, at pampublikong sektor na nakabase sa D.C. o nasa D.C. para sa IMF-WB Spring Meetings. Samantala, si Finance Secretary Recto ang nagbigay ng Keynote Speech sa nasabing event.
Naroon din sa PH Dialogue sina Michael Ellam, Chairman ng Public Sector Banking, Global Banking at Markets ng HSBC na nagsilbi ring panelist; Jay Collins, Vice Chairman ng Corporate & Investment Banking ng Citi, na naghatid ng Closing Remarks; at Michael Paulus, Managing Director at Pinuno ng Public Sector Group, Asia Pacific ng Citi na nagsilbi bilang Host/Moderator.
Inorganisa ang PH Dialogue ng ilang institusyon, kabilang ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), BofA Securities, Citi, Department of Finance (DoF), Embassy of the Republic of the Philippines sa Washington, D.C., HSBC, J.P. Morgan, Morgan Stanley , Standard Chartered Bank, at UBS.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -