26.5 C
Manila
Miyerkules, Setyembre 18, 2024

Dahilan ng pagbagsak ng unemployment rate sa bansa noong 2023

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

ANO ang dahilan ng pagbagsak ng unemployment rate sa bansa noong 2023? Ano ang nai-ambag ng paglikha ng trabaho sa loob ng bansa?  At ano ang nai-ambag ng pagpapadala ng mga OFWs sa ibang bansa?

Bumaba ang unemployment rate sa annual average na 4.5 porsiyento noong 2023 mula sa 5.6 porsiyento noong 2022. Ito ang pinakamababang antas na narating ng bansa sa loob ng 44 na taon.

Lumikha ang ekonomiya ng 1.32 milyon na trabaho noong 2023, mas maliit kaysa 2.88 milyon na nalikha noong 2022. Ngunit dahil mas malaki ang nalikhang trabaho kaysa ang bilang ng mga bagong pasok sa labor force na 0.84 milyon, bumaba ang unemployment rate. (Table 1) Karamihan sa nalikhang trabaho ay nasa services na umabot sa 1.0 milyon. Sumunod ang agrikultura na lumikha ng 0.44 milyon at pinakamababa sa industriya na nabawasan pa ng 0.16 milyong trabaho.

Hindi kasama sa estadistika ng labor force ang mga OFWs na lumabas ng bansa. Noong 2023, umakyat sa 2.33 milyon ang overseas Filipino workers (OFWs) na napadala sa mga trabaho sa labas ng bansa. Kumpara sa 1.96 milyon na OFws noong 2022, lumikha ang overseas employment ng 0.37 milyon na karagdagang trabaho.

Bakit mas maliit ang nalikhang trabaho noong 2023 kaysa noong 2022? Noong 2023, nagsimulang umakyat ang interest rates sa buong mundo kasama ang Pilipinas habang nilalabanan ang pagratsada ng inflation. Ito ang dahilan para bumagsak ang paglago ng ekonomiya mula 7.6 porsiyento noong 2022 sa 5.6 porsiyento noong 2023. Mas magastos magsimula ng bagong negosyo kapag ang pautang ay nanggagaling sa bangko. Noong 2023, ang interest rate ng mga pautang ng mga bangko ay umabot sa 7.5 porsiyento kumpara sa 5.8 porsiyento noong 2022. Tumaas din ang median salary sa P312 libo noong 2023, 5 porsiyento na mas mataas kumpara sa P296.4 libo noong 2022.


Ngunit kahit mas mababa ang real GDP (Gross Domestic Product) growth sa 5.6 porsiyento, umakyat naman ang Gross National Income o real GNI growth sa 10.5 porsiyento, ang pinakamataas nitong antas mula 1949 pagkatapos bumangon ang Pilipinas sa lagim ng ikalawang digmaang pandaigdig.  Ang dahilan nito ay ang pagtaas ng net income from abroad na kasabay ng pagkawala ng pandemya ng Covid-19. Tumaas ang net primary income o ang kita ng mga OFWs at net secondary income o dibidendo ng mga Filipino investors sa P2.2 trilyon mula P1.1 trilyon base sa 2018 na presyo.  Nabawas na rito ang sueldo at dibidendo ng mga expatriates at negosyong dayuhan.

Ang galaw ng unemployment at underemployment rate sa mga susunod na buwan ay nakataya sa mga sumusunod.

Una, ang galaw ng inflation rate sa iba’t ibang bansa. Mula sa trend na pagbaba ng inflation bago nagtapos ang taong 2023, muling umakyat ang inflation sa mundo noong noong Pebrero at Marso dahil sa pagsipa ng presyo ng langis na nagulantang dahil sa giyera ng Israel at Hamas.

Ikalawa, ang positibong epekto ng mga repormang pang-ekonomiya na inaprobahan  ng nakaraang Kongreso gaya ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises  (CREATE) Act na nagbababa income tax rate ng mga korporasyon, Foreign Investments Act (FIA), the Retail Trade Liberalization Act (RTLA), at Public Service Act (PSA) na nagpaluwag sa pagpasok ng mga dayuhang employer.

- Advertisement -

Ikatlo, ang patuloy na mataas na gastusin sa inprastruktura at mga repormang pang-ekonomiya gaya ng productivity programs sa mga mahihinang sectors, lalo na ang pagkain na siyang nagpapataas ng inflation. Ayon sa medium-term fiscal program, tataas ang NG capital outlays sa P1.4 trilyon sa 2024 mula sa P1.3 trilyon sa 2023.

Ikaapat, ang muling pagbubukas ng trade at tourism sa mundo na kung saan ang malaking bahagi ng ating mga OFWs ay balik-empleyo.

Hihilahing paakyat ang unemployment at underemployment rate ng unang salik na nakasaad sa taas. Ngunit ang ikalawa hanggang ikaapat ang magpapadagundong sa ekonomiya balik sa  mataas nitong paglago at mabilis na paglikha ng bagong trabaho.

Table 1. UNEMPLOYMENT RATE, % of Labor Force              CHANGE
  2022 2023 2023 v. 2022 2023 v. 2022
January 6.37% 4.79% -2.4% -1.6%
February 6.43% 4.80% -2.4% -1.6%
March 5.77% 4.80% -1.3% -1.0%
April 5.70% 4.45% -3.0% -1.2%
May 5.97% 4.30% -1.7% -1.7%
June 6.03% 4.55% -1.7% -1.5%
July 5.21% 4.86% -1.7% -0.4%
August 5.30% 4.40% -2.8% -0.9%
September 4.99% 4.53% -3.9% -0.5%
October 4.54% 4.19% -2.9% -0.4%
November 4.20% 3.56% -2.3% -0.6%
December 4.33% 3.07% -2.3% -1.3%
Average 5.58% 4.54% -2.2% -1.0%
Source: PSA

 

Table 2. EMPLOYED PERSONS, Millions              CHANGE
2022  2023  2023 v. 2022 2023 v. 2022
January 43.02      47.35           1.77        4.33
February 45.48      48.80           2.33        3.32
March 46.98      48.58           1.64        1.61
April 45.63      48.06           2.36        2.43
May 46.08      48.26           1.37        2.18
June 46.59      48.84           1.52        2.25
July 47.39      44.63           5.72       -2.76
August 47.87      48.07           3.64        0.20
September 47.58      47.67           3.99        0.09
October 47.11      47.80           3.28        0.69
November 49.71      49.64           4.23       – 0.07
December 49.00      50.53           2.73        1.52
Average 46.87  48.19            2.88         1.32 
SOURCE: PSA

 

Table 3. LABOR FORCE, Millions              CHANGE
2022 2023 2023 v. 2022 2023 v. 2022
January 45.94      49.73           0.74        3.79
February 48.61      51.26           1.27        2.65
March 49.85      51.03           1.08        1.18
April 48.39      50.30           0.98        1.91
May 49.01      50.43           0.56        1.42
June 49.58      51.17           0.74        1.59
July 49.99      46.91           5.25 -3.09
August 50.55      50.29           2.42 -0.26
September 50.08      49.93           2.23 -0.15
October 49.35      49.89           2.02        0.54
November 51.88      51.47           3.25        -0.41
December 51.22      52.13           1.66        0.91
Average 49.54  50.38            1.85         0.84 
Source: PSA

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -