29.9 C
Manila
Huwebes, Oktubre 10, 2024

Pangandaman, dadalo sa ika-18 pulong ng IGRB, Int’l Association of Women Judges Conference

- Advertisement -
- Advertisement -

DADALO si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” Pangandaman sa dalawang importanteng pulong mula ika-8 hanggang ika-9 ng Mayo 2024.

Nakatakdang pangunahan ni Secretary Pangandaman,  ang ika-18 pulong ng National Governement-Bangsamoro Government Intergovernmental Relations Body (IGRB) bilang co-chair, kasama si Minister Mohagher Iqbal. Gaganapin ang pulong sa Cagayan De Oro City, Misamis Oriental sa ika-8 ng Mayo 2024.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng IGRB sa konteksto ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Pinapadali ng intergovernmental body ang kooperasyon at koordinasyon sa pagitan ng mga ahensyang itinatag ng BARMM at ng Philippine National Government. Ang pangunahing tungkulin nito ay upang makipag-ugnayan at lutasin ang mga mabibigat na isyu sa pamamagitan ng regular na konsultasyon at patuloy na negosasyon sa maayos na paraan.

Kasama ng Budget Secretary na dadalo sa pulong ang ibang DBM officials, tulad nina Undersecretary Wilford Will Wong and Undersecretary Goddes Hope Libiran.

Matapos ang pulong ng IGRB, nakatakda ding dumalo ang Budget Secretary sa 2024 Asia-Pacific Regional Conference of the International Association of Women Judges bilang resource speaker sa Cebu City, Cebu sa ika-9 ng Mayo 2024.

Isang matibay na tagapagtaguyod ng mga karapatan ng kababaihan at pagkakapantay-pantay, naimbitahan si Secretary Pangandaman, bilang isang resource speaker para talakayin ang paksa, Gender Inclusivity and Empowerment, partikular ang mga programa at patakaran ng DBM tungo sa tagumpay nito.

Ang 2024 Asia-Pacific Regional Conference ng International Association of Women Judges (IAWJ) ay isang makabuluhang kaganapan na pinagsasama-sama ang mga babaeng hukom mula sa buong mundo. Ang tema para sa kumperensyang ito ay “Women Lead: Transforming Asia Pacific and Changing the World.” Layon ng kumperensya na bigyang kapangyarihan ang mga babaeng hukom at itaguyod ang gender-sensitive adjudication, upang palakasin ang tiwala sa sistema sa justice system.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -