27 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

Hontiveros: Maraming ‘red flags’ sa katauhan ni Bamban Tarlac Mayor Guo

- Advertisement -
- Advertisement -

SA isinagawang  inquiry kahapon, Mayo 22, 2024, ng pagpapatuloy ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality tungkol sa diumano’y pagkakasangkot ni  Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Philippine offshore gaming operators (POGOs),  sinabi ni Senator Risa Hontiveros na maraming “red flags” sa sagot ng mayor.

Idinagdag pa ng Senador na sa mga inquiry sa mga ulat ng human trafficking, scams at iba pang mga krimen na sangko ang mga POGO, napuna ni Hontiveros ang mga di pagkakapareho sa mga naging testimonya ni Gou noong nakaraaang hearing kaysa kahapon (Mayo 22) at sa mga lumabas na panayam sa kanya.

Sabi ni Hontiveros, “Mas lalaliman pa natin ang pagtatanong natin because we will show that both her stories are riddled with holes,” Hontiveros said in her opening statement. “While the answers are not conclusive yet, what is clear is that there are enough red flags that warrant further scrutiny,” sabi niya.

Narito ang bahagi ng transcript ni Sanador Risa Hontiveros kasama si Mayor Alice Guo sa isinagawang hearing ng Senado tungkol sa POGO kahapon.

Mayor Alice Guo: Your Honor, yan po ang understanding ko po.

Senator Risa Hontiveros: Yan ang understanding nyo. So presumably, kung may mga kapatid ka, sila’y half siblings at iba ang nanay nila. At ang nanay nila ang legal wife ng tatay mo?

Guo: Ang tatay ko po, meron pong tatlong kasama.

Hontiveros: At yung sa tatlong kasama, may mga anak si tatay nyo, so half siblings nyo?

Guo: Opo, Your Honor.

Hontiveros:So, yung isa sa tatlo ang legal wife ni tatay nyo?

Guo: Your Honor, ay tingin ko po, kasi hindi ko po sila kasama po lumaki.

Hontiveros: So pero ang sinasabi nyo, hindi si Amelia Leal ang legal wife ni tatay nyo? Pero siya ay nanay nyo at siya ay kasambahay ni tatay nyo dati?

Guo:Yes po, Your Honor.

Hontiveros: Okay, ito pong problema ko, Mayor. I also have copies of the birth certificates of Sheila Leal Guo and Siemen Leal Guo. I note that the information contained in these documents is necessary to present in these hearings for the Senate to properly carry out its authority to conduct investigations and ferret out the truth behind these issues we are confronting, thus constituting an exception to the Data Privacy Act.

However, out of an abundance of caution, niredact po namin yung ilang portions nung birth certificates nina Ms. Sheila Guo at Mr. Siemen Guo dahil hindi sila public officers. Ngayon, sa mga dokumentong ito, pare-pareho kayo ng nanay nyo ay si Amelia Leal at ang ama ninyo ay si Angelito Guo.

So, sa totoo. Tatlo po ba kayong anak ng nanay at tatay nyo?

Guo: Your Honor, hindi po ako yung nag-prepare po ng birth certificate po nila. Kaya wala po akong idea po. Natanong ko rin po sa tatay ko po, after po nung last Senate hearing po, tinanong ko po sa kanya kung kapatid ko po ba yung dalawa. And he said yes po.

Hontiveros: Alright, so, kinonfirm ni tatay nyo na sina Ms. Sheila Leal Guo at Mr. Siemen Leal Guo, ay mga kapatid nyo?

Guo: Yes po, Your Honor.

Hontiveros: At kinonfirm nila na mga kapatid nyo sila?

Guo: Kinonfirm po sa akin ng tatay ko po. Tinanong, naitanong ko po sa kanya.

Hontiveros:

Base pa rin sa mga dokumentong ito, una yung birth certificate nyo at ngayon yung birth certificate nung dalawang kinonfirm ni tatay nyo na kapatid nyo. Paano po yung iniwan ka ng nanay mo nung pinanganak ka ng 1986? Pero, siya pa din ang nanay ng kapatid mong si Siemen na pinanganak naman nung 1988?

Guo: Your Honor, hindi po ako, hindi ko po nakita yung birth certificate po nila at hindi rin po ako yung nag-prepare po. Wala po akong idea po doon sa birth certificate po nila.

Hontiveros: As the Chair mentioned earlier, para sa susunod na hearing, iimbitahin nga natin yung kumadrona na nag-paanak kay mayor. Yung mga tanong tungkol sa sinong tumanggap ng late registration, maitatanong na natin ngayong araw dahil nandito ang LCR ng Tarlac.

Imbitahin din sa susunod na pagdinig yung chair sa barangay na nagbigay ng permit para sa farm.

Si Mayor Feliciano nga, ang BIR, unless, sorry, ang BIR nandito na rin. Ang mga naging suki ni Mayor Alice nung siya’y nagnenegosyo sa piggery nila and then yung mga tauhan sa farm. So, we will invite those additional resource persons.

Hontiveros: Salamat, Sen. Raffy. The committee actually already made that request at in a few minutes, meron po akong information tungkol sa tinatanong nating marriage certificate na yan.

Pero at this point, Mayor Alice, nakikita po na ito nga yung problema. You did not prepare your birth certificate pero di maipagkakaila na butas-butas po yung birth certificate niyo. At lumalabas po sa pagtatanong po namin, matatanong talaga, akala ko ba na wala yung nanay ninyo? E parang matagal naman yung relasyon nila nung tatay nyo. Tatlo ang naging anak. At by the way, iba po yun sa kwento nyo sa interview na napanood naming lahat.

And here’s another issue, Mayor, sa birth certificate na nagkocontradict sa kwento ninyo. Your parents are listed nga as married. Meron pang date of marriage, no? Yung October 14, eto, 1982. O, date of marriage. Paano mangyayaring kasal sila kung sabi mo ang birth mother mo ay yung kasambahay sa bahay ng tatay at nanay mo?

Guo: Your Honor, yung biological mother ko po ay kasambahay po ng tatay ko po. Ako po, lumaki po ako sa farm.

Sen. Raffy Tulfo: Sorry, Madam Chair, malayo sagot niya.

Hontiveros: Yes, Sen Raffy. Yun na nga po. E paano mo mapapaliwanag na yung date ng kasal ng magulang mo, na iba-iba dito sa tatlong birth certificates ninyong tatlong magkakapatid, na kinonfirm ni tatay mo na sina Shiela at Siemen Leal Guo ay mga kapatid nyo, pero sa mga birth certificates ninyo, iba-iba ang petsa ng kasal ng magulang ni Sheila Leal Guo, na ang pangalan din ay Angelito Guo at Amelia Leal, pero hindi date ng marriage ng magulang ni Siemen Leal Guo, na pareho din si Angelito Guo at Amelia Leal ang magulang. So, paano nyo maipapaliwanag yun iba-iba ang marriage date sa birth certificates ninyong tatlo?

Guo: Your Honor, as much as possible, ayoko na pong sumagot ng hindi ko po alam. Pero, hindi ko po talaga alam at hindi po ako yung nag-prepare po nung birth certificate ko po.

Hontiveros: Salamat, Sen. Raffy. So sige, para lang tapusin na natin yung kwento dyan sa marriage certificate na yan. At ito po yung malala, Mayor. Nung pinacheck ko po, wala pong record ng kasal sina Angelito Guo at Amelia Leal. Okay? So yan ang sinasabi po ng PSA certification natin.

At ito ang higit pang malala. Walang birth record at all sina Angelito Guo at Amelia Leal. So, maitatanong talaga, hindi po kaya Angelito Guo and Amelia Leal Guo don’t even exist?

Itong dalawang taong ito, na according to the documentary evidence, have three children, but according to you, Mayor, have only one child, apparently don’t even exist? So hindi ko maklaro, lumalabo po yung kwento ng buhay ninyo.

And next question, ang tatay nyo po ba ay Chinese, Filipino, o Filipino Chinese? Final answer please ha, dahil itong lahat na tatlong sagot ay nasabi nyo na sa iba’t ibang pagkakataon.

Guo: Madam Chair, ang tatay ko po ay Chinese.

Hontiveros: Okay, siya ay Chinese. So, taga saan po siya sa China?

Guo: Taga Fujian po.

Hontiveros: Fujian. So tama yung lumalabas sa social media na taga Fujian sila. Okay? So ayan, mga social media posts. At babalikan ko yang Fujian mamaya. Okay?

Kung siya ay Chinese, yung tatay nyo, bakit kaya ang sabi sa birth certificate mo na ang tatay mong si Angelito Guo ay Filipino? Bakit ganun?

Guo: Your Honor, yung Angelito po, yan po yung Filipino name po ng tatay ko.

Hontiveros: Pero yung citizenship po, yung tinatanong ko, Mayor. I had this check po eh. And the Chinese national cannot have two citizenships. Wala po silang dual citizenship. Why would you say he’s a Chinese national with a Chinese national? He has a Chinese passport. Pero ang nakalagay sa birth certificate mo ay Pilipino siya. So, naiintindihan mo ba kung bakit ang gulo-gulo po ng kwentong buhay nyo tungkol sa pamilya nyo? Bakit?

Guo: Your Honor, yung tatay ko po ay Chinese passport holder. At siguro po, Your Honor, maganda rin po na itanong, i-check din po natin dun sa birth certificate ko po kung ano po yung mga naka-attach po na documents po sa kanila.

Hontiveros: Walang problema sa pag-check sa, attachments. At itatanong din po namin yan mamaya. Pero, ang tinatunong ko po, bakit siya ay Chinese national with a Chinese passport at dahil wala silang dual citizenship, hindi siya pwedeng simultaneously Filipino citizen. Pero, ang citizenship niya, pangalang Angelito Guo sa inyong birth certificate, ay Filipino siya. So, bakit contradictory? Kung baga yung isa ay totoo pero yung isa ay kasinungalingan. Bakit po ganyan?

Guo: Your Honor, ayaw ko po magsinungaling. Ang tatay ko po ay Chinese at hindi po ako yung nag-prepare po ng birth certificate ko po.

Hontiveros: Okay. So, babalikan po natin talaga yung misteryosong birth certificate na yan. Na bagamat, hindi kayo ang naghanda, pero, nung umabot na po kayo sa age of reason, sa legal age, lalo na naging local government official pa kayo, eh dapat talaga naiklaro. Matagal na. And Mayor, I am sorry, but even your revised story, yung napanood po namin lahat sa media, sa balita, parang hindi rin po totoo.

Your birth certificate is riddled with holes. And if your birth certificate is the basis of your citizenship, so pati po yung citizenship nyo ay riddled with holes. Kung Chinese ang tatay ninyo, based on your own self-declaration, well, sa ilalim ng 1973 Constitution, na yan ang umiiral na Constitution nung, taon ng inyong pagkapanganak, 1986, kailangan Pinoy si nanay nyo para maging Pilipino rin kayo. Pero, itong Amelia Leal, whoever she is, kasambahay ba, o nanay ninyong tatlo, is a person with no birth record. So, how can you derive citizenship from a woman whose very existence is questionable?

Ayan, paano ba namin paniniwalaan, Mayor, kung saan galing yung inyong identity at citizenship? Kung ganito pong kagulo at non-existent pa nga yung ibang mga documentation sa inyo?

Guo: Your Honor, lumaki po ako, na dala-dala ko po, nung 2005 po, binigay po sa akin yung birth certificate ko po. Alam ko po ako ay isang Filipino. Lumaki din po ako na alam ko po ako ay, isang Filipino po.

Hontiveros: Well, kung sinasabi nyong lumaki kayo, alam nyong Pilipino kayo, kailangan backed up yan ng documentation. Bilang government official, alam nyo yan. At kapag kumukontra sa isa’t isa ang mga dokumento or non-existent yung mga importanteng dokumento, nagiging kaduda-duda yung, ah, sinasabi nyong mga identity at citizenship. At, earlier, no, kung sinasabi nyo na hindi kayo sinungaling, ibig sabihin, yung tatay nyo ang nagsinungaling. Nagsinungaling siya sa birth certificate nyo.

At, itatanong po namin yan, mamaya. Ngayon, Mayor, sabi nyo, hindi nyo po kilala yung mga kapatid nyo. Actually, to be exact, sabi nyo, di kayo sigurado kung sila ay mga kamag-anak nyo. Do you still maintain this, Mayor?

Guo: Your Honor, pakiulit po.

Hontiveros: Sabi nyo kasi sa akin noon, nung pinakita ko yung mga dokumento, na nandun yung mga pangalan ni na Sheila L. Guo at Siemen L. Guo at isa pang dokumento na Sheila Leal Guo at Siamen Leal Guo. At tinanong ko sa inyo, kung mga kapatid nyo sila, ang sabi nyo sa akin, hindi nyo sigurado kung kamag-anak nyo sila. Yan pa rin ba ang sinasabi nyo sa amin?

Guo: After po ng Senate hearing po, Your Honor, nag-confirm po ako sa tatay ko, kapatid ko daw po sila.

Hontiveros: Kapatid nyo sila. Talagang kapatid nyo sila. At hindi lang po dahil sa birth certificate, mamaya ipapakita po natin yan. So, ito na po. Ito pong lahat na mga kumpanya ay magkakasama kayo nina Sheila Guo at Siemen Guo. Ayan. Hindi po kaunti. Lahat. kayong tatlo ay magkakasama.

Tapos, ito naman po ang mga travel records ninyong dalawa ni Sheila Leal Guo showing you traveled at least three times. Together. Travel buddies kayo ni Sheila Guo. At wala namang masamang mag-travel kasama ng kapatid. I would enjoy that also. Pero, why would you lie about something like this? Bakit po kailangan magsinungaling sa bagay na napakadali namang pong i-check?

Guo: Your Honor, ummm… nakaraan po ng Senate hearing kaya po, lahat na lang po naging sagot ko po is I don’t know. Hindi ko po alam. Dahil ayaw ko po madamay po ang ibang tao. Kaya lahat po na natanong nyo po sakin puro naging I don’t know po ang sagot ko po. Dahil ayaw ko po madamay po sila. At pribadong tao po yung mga ibang tao po nababanggit, ayaw ko po sila madamay po dito.

Hontiveros: Ayaw nyo silang madamay, pero napakadali naman naming i-check, kasi of public record itong mga public documents na ito, actually lalo silang nadadamay sa inyong pag-iwas sumagot o pagbigay ng sagot na hindi pala totoo. Kundi mga kasinungalingan.

Okay, Mayor, dako na po tayo sa Baofu. So, please help me understand this. Sabi nyo, kayo po ang bumili ng lupa kung saan nandoon ngayon ang Zun Yuan na dating Hongsheng.

So, pero alin po ang nauna? Ang pag-incorporate ng Baofu? O ang pagbili nyo ng lupa? Kasi sabi nyo po sa interview nyo, 2018 nyo binili yung lupa. Pero bakit ang mga titulo ay lahat sa pangalan ng Baofu na nung 2019 lang incorporated? At ang deed of absolute sale sa lupa ay sa pagitan ng Baofu at ng mga private owners noon?

So, ito po, isang example nga. Absolute deed of sale. Baofu, tapos yung dating private owner. So, ano ba ang totoo? Alin ba ang nauna? Baofu ba? O yung pagbili ng mga lupa?

Guo: Your Honor, nauna po yung pagbili po ng lupa. Yung lupa po, nabili ko po sa mga private po na tao. Installment ko po binili sa kanila. Tapos nung pumasok po ang Baofu, pumasok po yung mga Chinese po na investors po. Yan po yung naging pinakapuhunan ko po sa kanila. Kaya diretsyo na po yung naging transfer po ng title.

Hontiveros: So, ngayon sinasabi nyo, naunang ma-incorporate ang Baofu, sumunod yung pagbili nila ng lupa?

Guo:Hindi po, Your Honor. Nauna po yung lupa po. Kasi nabili ko po yung lupa po na installment.

Hontiveros: Kailan nyo binili yung lupa?

Guo: 2018

Hontiveros: 2018? So, eh bakit Baufu ang pangalan dito, hindi pangalan nyo at yung dating private owner?

Guo: Direct na po yung naging transfer po, direct na po yung naging transfer po, Your Honor. Hindi po siya deed of sale. … Anong tawag doon? Contract to sell po. Ang naging kontrata po namin doon sa private owner po.

Hontiveros: Okay. May kopya ba kayo nung contracts to sell na nakasulat doon na Alice Guo ang buyer?

Guo: Your Honor, meron po.

Hontiveros: Pwede nyo bang i-furnish sa komite ang kopyang yan within the day?

Guo: Within the day, opo.

Hontiveros: Alright. Salamat, Mayor. Kaya lang, okay, iintayin ng komite yung documents na yan. Pero what this still looks like to me is that yung Baofu ang unang binuo, tapos ang Baofu ang nag-acquire ng real estate.

And based on this one example of an absolute deed of sale, na nabili nila sa private buyers. Dahil hindi pangalan nyo yung nandito eh. Hindi kayo party sa transaksyong ito. Hindi yung sinabi nyo nga na nagbebenta kayo ng baboy sa Clark, natalisod mo lang sila sa mga may-ari ng restaurant, tapos sinabing parang, eh guys, ba’t di nyo nalang gamitin yung lupa ko?

Kasi parang yun po yung pinapalabas ninyo. This, just one copy ng absolute deed of sale, ay pasisinungalingan yung sinasabing yung bahagi iyon ng kwento. Dahil lumalabas dito ang nag-transact ng sale, ay hindi kayo, kundi yung Baofu na at yung private owners.

Guo: Your Honor, mag-provide po ako ng copy po sa inyo. Doon sa previous owner po, kung di po ako nagkakamali, mga Cruz po yata yung last name po nila, meron po kami kontrata po na nakapangalan po sa akin. Conditional sale po kasi installment ko po binili yung lupa.

Hontiveros: Alright, ano po yon?

Guo: Opo, Your Honor. At nung nakausap ko po sila, pinadirect na po yung transfer po. Kasi yun yung pinaka-share ko po yung lupa po nung tinayong compound po na Baofu.

Hontiveros: Nakareflect ba sa contract to sale na isusumite nyo sa komite, yung condition na sa deed of absolute sale, hindi na ang pangalan nyo ang lalabas, kundi yung Baofu at yung dating private owners?

Guo: Meron po akong copy po nun, Your Honor.

Hontiveros: So, titignan po ng komite yan, i-expect po namin i-submit nyo sa amin within this day. Bakit ko po kinukulit itong puntong ito? Bakit important distinction ito? Kasi, yung mga incorporators, co-incorporators nyo sa Baofu, ay akusado at convicted ng criminal activities sa pinakamalaking money laundering operation sa kasaysayan ng Singapore. Ito po yun.

Kaya, duda talaga po ako, Mayor. Pasensya na. Pakalat-kalat lang sila sa Clark. Nagpapatranslate sila sa inyo. At naisipan mo lang na i-alok ang lupang na bili mo na. What it really looks like to me ay, Baofu was deliberately formed by you and individuals involved in money laundering and other criminal activities.

And it was part of a synchronized and coordinated plan all along. Buying land. Opening up a POGO Enterprise. Maximizing our flawed regulatory system. To abet scams, human trafficking, and money laundering. And in just a few moments, I will show more evidence of this. Pero, at this point, Mayor, alam niyo po ba na yung mga co-incorporators nyo sa Baofu ay mga money launderers?

Guo: Your Honor, nalaman ko po kahapon dun sa Facebook post niyo po. After ko po malaman, sinearch ko po sila. Ang kausap ko po po siya. Ang kausap ko po dyan sa Baofu po ay yung si Zhang Zhiyang.

Yung dalawa po, hindi ko po sila nakausap. And after po ako mag-divest po ng 2021 po, wala na po akong alam sa kanila.

Kahapon po nakita ko po dun sa Facebook post niyo po na sila po ay money launderer po sa Singapore. At nag-research po ako sa through Google din po.

At nakita ko nga po na yung dalawa po ay sangkot nga po dun sa money laundering po. Sa Singapore. At kahapon ko lang po nalaman kawa po nung nakita ko po sa Facebook post po ninyo, Madam Chairman.

Hontiveros: Hindi ba dapat kung papasok kayo sa ganyang kalaking negosyo? Napakalaki kumpara sa mga nauna nyo nang mga negosyo. Nagtatanong nga yung mga tao, mula Piggery papuntang POGO, parang ang laking multiplied many times over. Hindi ba dapat nag-due diligence kayo? Kasi ang laki nang ipapasok nyong equity.

Yung mga lupa sabi nyo binili nyo on installment over the years. Sa mga private owners. Hindi po maliit ang 7.9 hectares. Halos 8 hectares. Hindi ba kayo nag-due diligence sa makakasama nyong mga co-incorporators? Sorry Ma’am, ako hindi ako negosyante, pero alam ko mga negosyante, hindi umaalam lang sa pagkakataon ng mga co-incorporators nila. After matanong sila sa isang Senate hearing sa Facebook. Due diligence dapat, di ba? Sa mga dokumento. Sa mga government agencies natin.

Guo: Your Honor, bago po nangyari po yun, ang kausap ko lang po dyan si Huang Zhi Yang. Siya lang po yung kausap ko po. At ang katuwiran ko po that time, since akin naman po yung lupa, majority po na sa akin, wala po mawawala po sa akin. At nung huli na lang po, naging POGO po yan.

Nung una, primarily po, ang usapan po na project po ay housing. Yun po yung unang pinag-usapan po namin ni Huang Zhi Yang. Si Huang Zhi Yang po, nakilala ko po siya sa Clark na marami po siyang restaurants at binibentahan ko po siya ng baboy. At okay naman po yung naging transactions po namin. Mabait naman po siya. At in-offer ko po sa kanya na tayuan po yung lupa ko po sa Bamban.

Hontiveros: Well, ah, medyo, okay. Inuulit niyo yung ilang mga detalye. Dahil gusto niyo nga maintindihan namin sa ganyang perspective yung kwento. But lalo lang dumadami po yung things that don’t add up.

Balikan ko lang po yung sabi niyo kanina, kinonfirm niyo taga Fujian si father ninyo. Alam niyo po ba na ang kasama niyo sa Baofu ay mga taga Fujian din? In fact, ang tawag sa kanila ay Fujian Gang. At kayo ba ay kasama din sa Fujian Gang na yan?

Guo: Hindi po, Your Honor.

(May karugtong)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -