27 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

PRC magdaraos ng licensure exam para sa mga nagnanais maging public accountant

- Advertisement -
- Advertisement -

INANUNSYO ng Professional Regulation Commission (PRC) – Regional Office I ang pagsasagawa ng tatlong araw na pagsusulit para sa mga nais maging certified public accountant (CPA) sa ika-26 hanggang ika-28 ng Mayo 2024.

Ayon kay PRC Ilocos Regional Director Arly  Sacay-Sabelo, nasa 232 ang inaasahang kukuha ng pagsusulit na gaganapin sa Rosales North Central School sa Barangay Zone II, Rosales, Pangasinan.

Ayon kay Sabelo, ang mga kukuha ng pagsusulit ay dapat na magdala ng mga sumusunod  sa araw ng eksaminasyon: Notice of Admission (NOA), mga lapis (No. 2), ball pens (itim na tinta lamang), basic calculator, isang pirasong mahabang brown na sobre, isang pirasong mahabang transparent (walang kulay) na plastik na sobre para sa pag-iingat ng mga mahahalagang bagay, pagkain na nakalagay sa transparent na lalagyan, at inumin.

“Mahigpit na pinapayuhan ang mga kukuha ng pagsusulit na basahin ang espesyal na panuntunan at advisory sa kanilang NOA, bisitahin at tingnan ang kanilang room assignment sa opisyal na website ng PRC: www.prc.gov.ph nang hindi bababa sa tatlo hanggang limang araw bago ang nakatakdang pagsusulit at i-download ang programa ng eksaminasyon upang magsilbi nilang gabay,” ani Sabelo.

Inaasahang lalabas ang resulta ng nasabing examination sa Hunyo 4, 2024 sa kanilang opisyal na website.

Para sa karagdagang impormasyon, ang mga kukuha ng pagsusulit ay maaaring makipag-ugnayan sa PRC sa pamamagitan ng email sa address na [email protected].  (JCR/AMB/RPM/PIA Pangasinan)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -