26.5 C
Manila
Miyerkules, Setyembre 18, 2024

Grand ‘Ammungan’ Festival, ipinagdiriwang sa Nueva Vizcaya

- Advertisement -
- Advertisement -

ISINASAGAWA ngayong linggo ang selebrasyon ng ika 15 na 2024 Grand ‘Ammungan’ Festival sa Nueva Vizcaya.

Tampok sa nasabing pagdiriwang ang mga nag-gagandahang LGU booths ng 15 na bayan ng lalawigan kung saan ipinapakita ang konsepto ng kanilang kapistahan.

Nakisayaw sa mga katutubong Ifugao ng Kasibu, Nueva Vizcaya si Governor Jose Gambito sa pagbubukas ng GRand ‘Ammungan’ Festival sa lalawigan. Layunin ng GAF na maipakita ang mayamang kultura at kasaysayan ng lalawigan sa mga Novo Vizcayanos at mga turista. PIA Image

Matagumpay na binuksan ang Grand ‘Ammungan’ Festival ng lalawigan noong May 21 na pinangunahan ni Governor Jose Gambito, Vice Governor Eufemia Dacayo at mga SP Members, kasama si former Governor Ruth Padilla na siyang Director-General ng festival,  municipal at barangay officials at mga opisyal ng Department of Tourism.

Tampok din sa apat na araw na selebrasyon ng festival ang Gawang Vizcayano Trade Fair with Arts and Crafts Bazaar, Vizcayano Arts Exhibit, Search for the Saniata ti Nueva Vizcaya, Nueva Vizcaya Travel And Tourism Expo, Ammungan Job Fair, Bonsai Exhibit, Kulinarya Vizcaya Competition, Pet Festival, PLGU Night, Street Dance and Showdown Competition, Ammungan Concert at Grand Fireworks Display.

Ayon kay Festival Director General Ruth Padilla, ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Tara na Sama-sama”.

Dagdag nito na ang selebrasyon ng GAF ay isa sa mga natatanging okasyon upang maipakita ang mayamang kultura at kasaysayan ng lalawigan para sa mga kabataang Novo Vizcayanos at mga bisita.

Ayon pa kay Padilla, ang GAF ay mahalagang kontribusyon ng lalawigan upang makaakit ng mga turista sa loob at labas ng bansa. (BME/PIA NVizcaya)

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -