27 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

Tesda, namigay ng toolkits sa mga jail inmates sa Odiongan

- Advertisement -
- Advertisement -

NAMAHAGI ng mga toolkits ang Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) sa ilang nakapiit sa Odiongan District Jail sa Odiongan, Romblon.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), ang mga persons deprived of liberty ay nabigyan ng pagsasanay ng Tesda Romblon sa Bread and Pastry Production NC II kamakailan dahilan para maging benepisyaryo ang mga ito ng mga toolkits.

Personal na pinangunahan ni Tesda Mimaropa regional director Angeline Carreon ang pamamahagi ng toolkits at ipinaunawa sa mga benepisyaryo ang kahalagahan ng programa at ang mga natutunan nilang skills sa pagsasanay.

Magagamit umano ng mga PDLs na ito ang skills at toolkits na ibinigay sa kanilang ng Tesda para magtayo ng sariling negosyo paglabas nila ng Odiongan District Jail at magkaroon ng financial independence.

Nagpasalamat naman sa Tesda ang mga PDLs sa patuloy na pagsuporta sa kanila kahit sila ay nasa loob ng piitan.

Ayon kay jail warden Norvel Dela Cruz, magpapatuloy ang partnership ng BJMP sa Tesda para mas mabigyan pa ng interventions ang mga PDLs na nakapiit sa kanila. (PJF/PIA MIMAROPA – Romblon)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -