\WALANG takot na pumunta ang Office of the Vice President (OVP) sa pamamagitan ng Disaster Operations Center upang maghatid ng tulong sa mga biktima ng matinding pagbaha sa Lucena City, Quezon Province ngayong araw.
Umabot sa 2,000 verified flooded families mula sa anim na hard-hit na mga Barangay sa Lucena City ang nabigyan ng relief bags.
Rumesponde rin ang OVP Kalusugan Food Trucks upang mamigay ng maiinit na pagkain sa mahigit 100 na mga responders.
Nagpapasalamat ang OVP sa tulong ng City Government of Lucena sa pangunguna ni Mayor Mark Alcala at Vice Mayor Dondon Alcala upang maihatid ang agarang tulong ng OVP para sa ating mga apektadong kababayan. Ulat mula sa Facebook page ng Office of the Vice President of the Philippines