27 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

Pagkatapos ng El Niño, La Niña ang kasunod

- Advertisement -
- Advertisement -

KAHAPON, Mayo 29, 2024, idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical, Astronomical Services Administration (Pagasa) na ang kalat kalat na pag-ulan, mga pagkulog at ang nakaraang bagyong “Aghon” ay simula na ng tag-ulan.

Sa larawang ito na nakunan nitong Mayo 26, 2024 at inilabas nitong Mayo 27, 2024 ng Philippine Coast Guard, makikitang inililikas ang mga bata mula sa baha sa Lucena, Quezon province ng mga coast guard personnel na dulot ng bagyong Aghon. Larawan mula sa Facebook page ng Philippine Coast Guard

Sinabi pa ni Pagasa Administrator, Nathaniel Servando, sa isang pahayag na ang habagat o southwest monsoon ay posibleng maramdaman na sa mga susunod na araw.

Dagdag pa ng opisyal ng Pagasa, malaki ang posibilidad na magkakaroon ng La Niña mula Hulyo hanggang Setyembre. Ibig sabihin, mas maraming ulan ang mararanasan sa panahon ng tag-ulan sa ibang bahagi ng bansa.

Paliwanag niya, “It increases the likelihood of above-normal rainfall conditions in some areas of the country, especially toward the end of the year.”

 El Niño, tuluyan nang humina


Sa mga unang bahagi ng Mayo ay unti-unti humina ang El Niño. Bagamat nagsimula nang umulan sa ibang bahagi ng bansa, naging napakainit pa rin noong unang linggo ng Mayo. ito ang hudyat ng simula ng ENSO-neutral na kalagayan sa dagat Pasipiko kung saan ang temperatura dito ay sala sa init, sala sa lamig.

Ayon sa Pagasa sa El Niño-Southern Oscillation (ENSO) advisory nito na may petsang Mayo 6, 2024, patuloy na humihina na ang El Niño bagama’t napakainit pa rin sa bansa.

Inaasahan na ang ENSO-neutral na kondisyon mula Abril hanggang Hulyo, ayon sa Pagasa.

Di pangkaraniwang panahon

- Advertisement -

Ang El Niño at La Niña ay mga di pangkaraniwang yugto sa atmosphere na nagaganap sa dagat Pasipiko malapit sa ekwador kung kaya lubhang apektado ang Pilipinas.

Ngayong 2024, nataon na umabot ang El Niño sa mga buwan na tag-araw sa Pilipinas kung kaya naman mas tumindi ang init ng tagtuyot na nararanasan ng bansa.

Ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Agriculture, umabot sa 9.5 bilyong halaga ang napinsala ng El Niño. Ang palayan ang may pinakamalaking pinsala na umabot sa P4.6 bilyon, pataniman ng mais na may pinsala na aabot sa P3.1 bilyon at ang iba pang higit na napinsala ang mga high-value crops tulad ng repolyo, carrots gayundin ang mga palaisdaan at manukan.

Umabot naman sa 175,000 magsasaka ang naapektuhan ang hanap-buhau sa pagtatanim dahil sa kawalang-ulan habang nasa 164,000 ektarya ng pataniman ang nasira.

Anong paghahandaan sa La Niña

Noong dakong huli ng taong 2022 hanggang Marso 2023, naranasan ng bansa  ang La Niña.

- Advertisement -

 Kabaligtaran ang epekto ng La Niña sa El Niño. Kung kulang sa ulan sa panahon ng El Niño, sobrang dami naman ng ulan kapag La Niña.

Tinatawag ang La Niña na cold phase na yugto ng kakaibang phenomenon na ito. Dahil ito sa temperatura ng dagat Pasipiko malapit sa ekwador na mas malamig kaysa sa normal.

Ang La Nina, ay salitang Espanyol na ang ibig sabihin ay “maliit na bata.” Ito ay karaniwang kilala rin sa iba pang mga pangalan tulad ng El Viejo o anti-El Niño, o bilang simpleng “isang malamig na kaganapan.”

Sa panahon ng El Niño, humihina o nag-iiba ng direksyon ang tipikal na hangin kung kaya nagkakaroon din ng pagbabago sa panahon, kung saan nararanasan ang mas madalang na pag-ulan kaysa karaniwan.

Kabaligtaran naman kapag La Niña. Lumalakas naman ang hangin na napupunta sa bansa at dumarami ang ulan kaysa sa karaniwan. Halimbawa noong nakaraang taon na panahon ng Marso na dapat sana ay mainit na at madalang na ang ulan, naging maulan pa rin ito at hindi masyadong mainit gaya ng normal na klima pag Marso sa Pilipinas.

Sa taong ito, ang La Nina ay matataon naman sa panahon ng tag-ulan sa Pilipinas. Inaasahan na palalakasin pa nito ang hangin patungo sa bansa na magpapalakas lalo sa mga bagyo at magpapadami ng buhos ng ulan.

Dahil dito, inaasahan na kapag may La Niña, mas malalakas ang mga bagyo, maraming pagbaha at pagguho ng lupa dahil mas marami kaysa karaniwan ang mararanasang ulan. May dagdag na ulat ni Lea Manto-Beltran

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -