SA unang pagkakataon para sa isang presidente ng Pilipinas, nagbahagi si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng keynote address sa 21st International Institute for Strategic Studies Asia Security Summit sa Singapore nitong Mayo 31, 2024 kung saan nagtipon ang mga lider, defense minister, at eksperto sa 48 na bansa. Dito, inudyok ni PBBM ang mga bansa na magtulungan sa pagpapatupad ng rules-based international order.
Nagsilbing plataporma ang IISS Shangri-La Dialogue para mapagtibay ang ating papel sa seguridad ng Indo-Pacific. Ilan sa mga nakasama ni PBBM sa kanyang working visit sina President Tharman Shanmugaratnam, Prime Minister (PM) Lawrence Wong, at Senior Minister Lee Hsien Loong ng Singapore, maging si Lithuanian PM Ingrida Šimonytė, at mga miyembro ng U.S. Congressional Delegation.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr. ang kahalagahan ng pagresolba sa mga maritime dispute sa pamamagitan ng mga hakbang na nakabase sa United Nations Convention on the Law of the Sea (Unclos) at respeto para sa interes ng lahat ng miyembro ng global community.
Inihayag ni PBBM ang kanyang pagtutol sa mga gawain na lumalabag sa soberanya ng mga bansa, at ibinahagi ang dedikasyon ng Pilipinas sa diyalogo, international law, at kooperasyon upang mapanatili ang seguridad sa Indo-Pacific.
Bahagi ng working visit ng Pangulo ay mga pulong sa pamunuan ng pamahalaan ng Singapore at kay Lithuanian Prime Minister Ingrida Šimonytė.
Narito ang highlights ng working visit ni PBBM sa Singapore: