27.4 C
Manila
Lunes, Setyembre 9, 2024

DBM, naglabas ng 57.120 M para sa Indigenous People’s Educational Assistance

- Advertisement -
- Advertisement -

ALINSUNOD sa layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na makapagbigay ng inklusibo at equitable development sa lahat ng kababayan nating Pilipino, inaprubahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina”  Pangandaman ang Special Allotment Release Order (SARO) at ang kaukulang Notice of Cash Allocation na nagkakahalaga ng P57.120 milyon para sa pagpapatupad ng Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) program ng Department of Social Welfare and Development – National Commission on Indigenous Peoples (DSWD-NCIP).

Layon ng PAMANA, isang programa sa ilalim ng  patnubay ng DSWD-NCIP, na isulong ang kapayapaan at pag-unlad sa mga lugar na apektado ng sigalot sa pamamagitan ng iba’t ibang socio-economic interventions.
Partikular na mapupunta ang pondo sa Educational Assistance Program (EAP) ng PAMANA upang iangat ang mga indigenous communities sa pamamagitan ng pagtiyak na ang mga mag-aaral sa mga rehiyong ito ay may access sa de-kalidad na edukasyon at pinahusay na mga oportunidad para sa mas maayos na kinabukasan.
pahayag ni Sec. Pangandaman.
Isinasaad ng Special Provision No. 1 ng NCIP budget sa ilalim ng FY 2024 General Appropriations Act na ang nakalaang halaga para sa PAMANA program ay eksklusibong gagamitim para sa pagpapatupad ng mga proyekto sa conflict-affected areas na tutukuyin ng Office of the Presidential Adviser on Peace Process, Reconciliation, and Unity.
Sasakupin ng inilabas na pondo ang 1,358 PAMANA-EAP grantees mula sa conflict-affected IP areas sa Cordillera Administrative Region, regions 4-B, 9, 11, 12, at 13.
dagdag pa ni Secretary Mina.
Nilagdaan ni Sec. Pangandaman ang SARO para suportahan ang EAP ng NCIP regional offices nitong ika-7 ng Hunyo 2024.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -