27.4 C
Manila
Lunes, Setyembre 9, 2024

Tulfo: Dapat magtalaga ng uniformed police personnel sa MRT stations

- Advertisement -
- Advertisement -

MATAPOS makatanggap ng mga impormasyon mula sa pamunuan ng MRT-3 ukol sa talamak na insidente ng mga pandurukot at iba pang krimen gaya ng sexual harassment, umapela si Sen. Idol Raffy Tulfo sa PNP sa pamamagitan ng NCRPO upang magtalaga ng mga uniformed police personnel sa lahat ng istasyon ng MRT.

Sa liham niya sa PNP at NCRPO kahapon, July 1, sinabi ni Tulfo sa kapulisan na dapat maging bahagi ng kanilang responsibilidad ang pagsakay sa mga tren upang mabilis at madali silang makaresponde sa anumang krimen o sakuna.

Bilang Chairperson ng Senate Committee on Public Services, binigyang-diin ni Tulfo na ang mga sasakay dapat na pulis ay well-trained sa pag-spot at pagsakote sa mga mandurukot at sa iba pang mga masasamang loob para masiguro ang seguridad ng mga pasahero.

Sa kanilang special training, iminungkahi ni Tulfo na maaring magamit ng PNP ang kaalaman ng mga dating kriminal na kanilang na-aresto nang sa gayon ay mas maiging mapag-aralan ang mga modus ng mga kawatan bago, habang at pagkatapos gawin ang krimen.

Sa huli, sinabi rin ni Tulfo sa kanyang liham na dapat ipakita sa mga istasyon ng MRT ang mga litrato ng mga nasakoteng indibidwal at sketch ng mga pinaghihinalaang nagsasagawa ng krimen para maimpormahan ang publiko.

Para masiguro ang compliance sa kanyang mga iminungkahi, sinabi ni Tulfo na magpapatawag muli siya ng pagdinig sa pagtatapos ng Senate recess ngayong Hulyo kung saan maiimbitahan ang mga kaukulang ahensya at mga opisyal.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -