27.5 C
Manila
Linggo, Enero 19, 2025

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong sa mga taga-Bukidnon at Misamis Oriental

- Advertisement -
- Advertisement -

UMABOT sa 180 ang bilang ng mga benepisyaryong nakatanggap ng livelihood assistance mula sa tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano sa loob ng dalawang araw na pamamahagi ng tulong sa mga lalawigan ng Bukidnon at Misamis Oriental.

Sa pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development o DSWD, naisagawa ang pamamahagi mula July 10-11, 2024 sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program o SLP ng dalawang senador.

Sa suporta ni Malaybalay Mayor Jay Warren Pabillaran, naisakatuparan ang unang araw ng pamamahagi sa Municipal Hall ng Malaybalay, Bukidnon kung saan nakatanggap ng livelihood assistance ang 150 indibidwal, kabilang ang mga manggagawa at mga nawalan ng trabaho.

“Binigyan kayo ng tulong ng gobyerno para umunlad ang inyong mga buhay. Baguhin na natin ang ating isip, may responsibilidad din tayo sa ating mga sarili,” sabi ni Mayor Pabillaran sa kanyang mensahe sa mga benepisyaryo.

Nagpasalamat din si Pabillaran sa magkapatid na senador para sa kanilang tulong at sinabing magiging masaya siya kung gagamitin ng mga benepisyaryo ang tulong na ito sa tamang pamamaraan upang umunlad ang kanilang buhay.

Ayon sa mga benepisyaryo, malaki ang maitutulong ng natanggap na livelihood assistance dahil maaari nila itong gamitin bilang panimula sa pagtatayo maliit na negosyo. Ayon pa sa kanila, makakatulong din ito para sa kanilang pang araw-araw na gastusin.

Sa sumunod na araw, nagpatuloy ang social welfare initiative sa Claveria, Misamis Oriental kung saan 30 pang mga benepisyaryo ang nabigyan ng tulong pangkabuhayan.

Naging matagumpay ang pamamahagi sa Misamis Oriental dahil sa tulong ng 58th Infantry “Dimalulupig” Battalion, 4th Infantry Division ng Philippine Army.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng magkapatid na senador sa DWSD at mga lokal na pamahalaan sa bansa upang mabigyan ng tulong ang mga nangangailangang sektor upang sila ay makabangon muli.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -