30.4 C
Manila
Biyernes, Disyembre 6, 2024

Estado ng manufacturing sector pagkatapos ng 4 na dekadang implementasyon ng reporma

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

ANO ang sitwasyon ng manufacturing sector pagkatapos ng apat na dekadang implementasyon ng reporma? Handa na ba ito para itulak ang bansa sa mas mataas na antas ng industralisasyon? Anu-ano pa ang mga kailangang reporma para mapalakas ito?

Ngayon, ang manufacturing sector ay 16.2% ng ekonomiya ng Pilipinas na nagpo-produce ng P3.9 trilyon na halaga ng produkto. Binubuo ito ng 25,279 na establisimiyento at nage-employ ng 3.8 milyong katao. Taliwas sa kundisyon nito noong 1980, ang manufacturing sector ay mas competitive at di na binibigyan ng proteksyon at subsidiya ng mga consumer na gaya ng dati. Sila ay nakikipagtunggali sa pandaigdigang pamilihan sa pamamagitan ng kanilang kakayahan na nahubog sa kompetisyon.

Ang manufacturing sector ng Pilipinas ay gumagawa ng malawak na range ng products. Ang pinakamalaking halaga ng output ay inambag ng food manufacturing na may 53.2% share, chemicals na may 11.3% share,  computer, electronics semiconductor na may 9.1% , beverages na may 4.7%, petrolyo na may 3.5% at non-metallic mineral products na may 2.3%.

Ang manufacturing sector ay lumago lamang ng 4.1% bawat taon, mas mababa kaysa sa services sector na lumago ng 5% at sa buong ekonomiya na lumago ng 4.3%. Di gaya ng apat na NIEs and ang ibang kasapi sa Asean 6, hindi manufacturing sector ang tagahawak ng bandila ng ekonomiya. Sa mga malalaking division sa manufacturing sector, tanging ang manufacture of chemicals and chemical products ang lumago nang mas mabilis sa ekonomiya — ang  chemical at chemical products na lumago ng 8.6%.

Noong nakaraang dekada (2013-2023), wood products ang pinakamabilis lumago ng 12% bawat taon, na sinusundan printing at reproduction ng  recorded media (11.3%), basic metals (10.5%), fabricated metal products (9.9%) at machinery and equipment (8.8%) at chemicals (8.6%).  Ngunit bukod sa chemicals, maliliit ang mga ito at hindi nila kayang buhatin ang buong ekonomiya. Mabibilis lumago ang mga ito dahil may access sila sa raw materials na mura at nakabase sa presyong pandaigdig. (Table 2)


Sa export earnings, ang electronics sector ang pinakamalaki at nag-ambag ng mas mataas sa 60% ng exports in terms of value. Nagsimula sa  assembly ng basic chips noong 1970, ang industriya ay lumago at nagpo-produce na siya ng advanced components gaya ng microprocessors, CD-ROMs, at computers. Isa ang Pilipinas sa mga 10 bansang pinakamalaking exporters ng semiconductors at nakakabit ang Pilipinas sa pandaigdigang value chain.

Sumusunod sa electronics ang shipbuilding industry. Mula noong  2008, ang Pilipinas ay ikaapat sa mga bansang gumagawa ng mga barko; sumusunod sa South Korea, China, and Japan. Mula 2008 hanggang 2023, ang Pilipinas ang nag-manufacture ng 1.6% ng ship tonnage sa buong mundo. Ang total na exports ng sector na ito ay umabot ng US$5.7 bilyon noong 2023.

Sa numero ng mga establisimiyento, ang pinakamalaking sector ay ang food manufacturing. Ang manufacture of other food products ay nagtala ng 7,656 establishments, halos one-third (30.3%) ng manufacturing sector noong 2021. Sinundan ito ng manufacture of beverages na may 4,091 establishments (16.2%); printing and service activities related to printing na may 2,311 establishments (9.1%); at manufacture of grain mill products, starches and starch products na may 1,395 establishments (5.5%).

Sa numero ng nalikhang trabaho, ang manufacturing sector ang nag-empleyo ng 3.8 milyon na manggagawa (2024). Ang pinakamalaking division sa metric na ito ay ang manufacture of electronic components na may 189,300 workers (16.1%) noong 2021. Sinundan ito ng manufacture of other food products, at manufacture of parts and accessories for motor vehicles na may 121,275 na mangagawa (10.3%) at 75,200 workers (6.4%), respectively.

- Advertisement -

Sa Asean 6, bukod sa Malaysia at Singapore, ang manufacturing sector ng Pilipinas ay nakalikha ng pinakamadalang na trabaho. Ang nalikhang trabaho na 3.8 milyon ay malayo sa 2.8 milyon sa Malaysia, 6.3 milyon sa Thailand, 11.8 milyon sa Vietnam at 18.8 milyon sa Indonesia. Nakaungos lang ang Pilipinas sa 2.8 milyon sa Malaysia at 0.2 milyon sa Singapore na parehong mababa ang populasyon.  (Table 3)

Base sa United Nations Industrial Development Organization’s (Unido) Competitive Industrial Performance Index, ang Philippine manufacturing ay may ranggo na  No. 44 sa listahan ng 153 countries. Umakyat ang Pilipinas mula No. 53 noong  2010 sa No. 44 in 2021.

Base pa rin sa  Unido’s National Accounts Database na nagkukumpara sa  laki ng manufacturing industries ng mga bansa, ang Pilipinas ay may ranggong No. 29 na may total US$$80 bilyon na  gross value added noong 2022.

Base sa Atlas of Economic Complexity naman, ang Pilipinas ay nasa  ranggong No. 32 noong 2021, umakyat mula No. 74 noong 2000 at No. 44 in 2010. Ang pinaka-complex at high-tech ay ang electronics sector na may 500 na kumpanyang gumagawa ng semiconductors, telecommunication electronics, at industrial electronics.  Nasa Pilipinas ang tatlong malalaking electronics firms sa buong mundo gaya ng Texas Instruments, Toshiba at CN Semiconductor Corporation.

Ngunit ang manufacturing sector ng Pilipinas ang pinakamaliit lahat ng countries sa ASEAN 6. Sa Table 3, ang value added ng manufacturing sector ng Pilipinas ay US$7.08 bilyon at 16.2% lang ng GDP kumpara sa US$13.9 bilyon, 25% ng Thailand; US$10.66 bilyon, 24% ng Vietnam, US$9.19 bilyon, 23% ng Malaysia, US$25.64 bilyon,18.7% ng Indonesia at US$10.28 bilyon, 18% ng Singapore, respectively. Mas maliit din siya ngayon kaysa noong 1983 kung kailan, 25% ang kanyang share sa buong GDP.

Maraming kailangang reporma para mapalago sa manufacturing sector, gawin itong mas efficient, mas resilient, at mas innovative,  at mabawasan ang vulnerability nito sa krisis.

- Advertisement -

Una, kailangan ng mas maraming diversity. Ang mga establisimiyento ay masyadong malilit o kayaý masyadong malaki, mababang technology gaya ng mga maliliit na negosyo sa food manufacturing o kayaý high-tech at world class gaya ng semiconductor manufacturing. Kakaunti ang  medium ang scale, at mga nasa gitna ng technology range. Marami ay nakatuon sa  simple processing, compounding ng kemikal o installation at pagtatagpi lamang ng mga sangkap. Kailangang palakihin ang value added sa pamamagitan ng bagong investments, lalo na sa mga linkages ng mga iba’t ibang activities.

Ikalawa, may mga negosyo sa manufacturing sector na apektado ng mataas na protection sa agrikultura. Ang food manufactures na gumagamit ng regulated agriculture products na gaya ng asukal, cereals, livestock products, vegetables, atbp ay walang access sa competitive sources ng raw materials. Maraming restrictions sa importasyon ng murang sangkap.

May restriction din sa pagpasok ng foreign direct investment (FDI) lalo na sa “exploitation ng natural resources”. Dahil dito, hindi makapasok ang advanced technology na kailangan para tumaas ng efficiency ng sektor. Dahil dito, dehado sa kompetisyon ang Pilipinas sa Asean kaya hindi lumalago ang sector. Ang Pilipinas ay may 238 libong manggagawa sa food manufactures kumpara sa mahigit 1 milyon sa Indonesia, 880 libo sa Vietnam, 633 libo sa Thailand, at 493 libo sa Malaysia. Alalahanin natin na ang Pilipinas ay pumapangalawa sa Indonesia sa dami ng populasyon at pumapangatlo sa laki ng labor force.

Ikatlo, kailangang bawasan ang regulations na hinaharap ng industriya. Ang Pilipinas ang isa sa may pinakamaraming regulated commodities sa Asean at ito ang nagpapataas ng production cost at mga presyo. Noong itinatayo ang Asean Single Window, lumabas na maraming produkto (7,400 tariff lines) sa Pilipinas ang kailangang dumaan sa mas mahabang proseso ng pag-approba ng mga ahensiya ng pamahalaan. At kailangang pumunta ang Department of Finance sa 24 na ahensiya para tingnan kung ano ang parameters ng pag-approba para mailagay ito sa computerized platform ng Pilipinas na National Single Window bago maikonekta sa ASEAN Single WIndow. Dahil sa patong-patong na regulation; kailangang dumaan sa pag-approba ng maraming ahensiya. Dahil sa haba ng proseso, malaki ang gastos ng mga negosyo na kalaunan ay ipapatong din sa mga konsumer.

Ikaapat, kailangan ding bawasan ang mahabang listahan ng prohibisyon sa investments. Ayon sa OECD na nag-aral ng mga investment regimes ng 140 bansa, ang Pilipinas ang may pinaka-restrictive na investment requirements. Maraming restrictions sa services, agrikultura at mining (dahil bawal ang activities na may kinalaman sa exploitation of natural resources sa Philippine Constitution. Ito ang dahilan kung bakit sa Asean 5, ang Pilipinas ang may pinakamaliit na natatanggap na foreign direct investments(FDI)  sa loob ng nakaraang sampung taon. Mula 2014 hanggang 2023, nakaakit ang Pilipinas ng US$94.3 bilyon na FDI, ikaanim sa Asean 6. Ang panglima, Thailand, ay nakatanggap ng US$122.9 bilyon, 30.3% na mas mataas.  (Table 4)

Ikalima, ang Pilipinas rin ang may pinakamababang investment sa infrastructure hanggang 2018. Ang average infrastructure investment sa Asean ay 5% ng GDP simula ng 1960 ngunit ang Pilipinas ay naga-average lang ng 2.2% ng GDP  sa bawat taon sa loob ng 6 na dekada. Mabuti at umakyat na ang infrastructure spending sa 5-6% ng GDP simula noong 2018 at lumago na rin ang public-private partnership na inaasahang mag-ambag ng 2% of GDP na spending bawat taon sa susunod na apat na taon.  Mataas na ang access sa ligtas na tubig at elektrisidad  ngunit mahina pa rin ang serbisyong naibibigay. Ang Pilipinas ay may pinakamababang access sa internet services sa Asean 6, pinakamaigsing road infrastructure at railway route length bukod sa Singapore. Ang Pilipinas ay nakakaangat lang sa access to cellular/mobile phone services na siyang pinakamataas sa Asean 6. Lumabas sa pag-aaral na ang infrastructure ay may malakas na hatak sa total investment. Sa Pilipinas, sa loob ng anim na quarter, nakahahatak ito ng 3.7 times na investment sa iba’t ibang sektor kaysa sa orihinal na investment sa infrastructure.

Table 1. BIGGEST DIVISIONS IN THE MANUFACTURING SECTOR, 2023
Billion Pesos % of Manuf Real Growth
Current Terms Value Added (2013-2023)
Manufacture of food products           2,096 53.2% 3.5%
 Manufacture of chemical and chemical products              446 11.3% 8.5%
 Manufacture of computer, electronic and optical products              360 9.1% 4.1%
 Manufacture of beverages              187 4.7% 3.4%
 Manufacture of coke and refined petroleum products              136 3.5% 0.2%
 Manufacture of other non-metallic mineral products                92 2.3% 3.2%
 Others              626 15.9% 0.6%
 TOTAL           3,944 100.0% 4.1%
SOURCE: Philippine Statistics Authority
Table 2. FASTEST GROWING MANUFACTURING DIVISIONS, 2013-2023
Real Growth in % (%)
Manufacture of wood, bamboo, cane, rattan articles and related products 12.0%
Printing and reproduction of recorded media 11.3%
Manufacture of basic metals 10.5%
Manufacture of fabricated metal products, except machinery and equipment 9.9%
Manufacture of machinery and equipment except electrical 8.8%
Manufacture of chemical and chemical products 8.6%
Manufacture of paper and paper products 6.8%
Manufacture of transport equipment 5.8%
SOURCE: Philippine Statistics Authority

 

Table 3. MANUFACTURING SECTOR IN ASEAN 6
Value Share in GDP Employment
Added % Millions
US$ Billion 2023 As of
PHILIPPINES        7.08 16.2 3.8 2024
INDONESIA      25.64        18.7 18.8 2023
MALAYSIA        9.19        23.0 2.8 2023
SINGAPORE      10.28        20.5 0.2 2021
THAILAND      13.90        27.0 6.3 2021
VIETNAM      10.66        24.8 11.8 2022
Source: World Bank
Table 4. FOREIGN  DIRECT INVESTMENT
 
US$ Million 2014-2023
Philippines       94,293.16
Indonesia     299,404.45
Malaysia     135,947.56
Singapore  1,185,807.55
Thailand     122,875.24
Vietnam     179,870.35
TOTAL  2,018,198.31
Source: ASEAN Statistical Yearbook                                     

 

 

 

 

 

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -