NARITO ang transcript ng panayam kina F/Sen Manny, Sen Cynthia at Sen Mark Villar sa 7th Villar Foundation Youth Reduction Challenge Awards nitong Hulyo 25,2024
Question: Can you confirm kung tatakbo si Congresswoman Camille sa Senado?
F/Sen. Manny V.: Oo naman tatakbo si Camille nadesisyunan na niya eh. Marami kasi ang nakikiusap at nagtutulak sa kanya, sabi bakit hindi naman hindi diba? Unang-una kailangan din natin ng kabataan sa senado. Sapagkat mahirap naman kung puro matatanda dun. Buti rin (kung) may kabataan at masigla. Kailangan din naman magaling.
Si Camille naman ay may masters degree sa Spain, hindi naman tayo mapapahiya sa kanyang kakayahan at katangian.
Question: Was there pressure from the family?
F/Sen. Manny V: Hindi, andaming humihiling eh. Sabi ko pagbigyan mo na,and anyway kami naman ay nakaranas na maging politiko. Wala namang masama maglingkod sa bayan.
Question: Payo kay Camille?
Kailangan ang bayan talaga… Well mahirap pa rin tayo kasi eh. So ang focus mo talaga ay yung mahihirap. Di ka talaga dapat aalis diyan, kasi ngayon di pa rin talaga nawawala ang kahirapan. Di na pa natin nalulutas so mas maganda kung dyan muna siya mag focus sa kahirapan.
Question; Initial reaction sa pagtakbo ni Camille sa senado?
Sen Cynthia V.: Mag end term kasi ako ngayong 2025. So siguro makakapalit siya sa akin at ang mga advocacy kong maiiwanan she can carry on.
Question: Ano po ang relevance ng Villar Sipag Awards sa panahon ngayon.
Sen Cynthia V: kasi yung mga awards namin whether sa adults, eto kasi sa youth eh. Yung aming pag December sa adults yun mga coop at organizations and palaging poverty reduction kasi yan ang pinakamalaking problema ng Pilipinas that we have to reduce poverty. We dream to become a middle income country in the future ASAP. So kailangan i-solve atin ang kahirapan sa Pilipinas.
Question: Ulan at baha sa Las piñas?
Sen Cynthia V: Hindi naman kami binaha, may minor hindi naman major kasi we have always cleaned our river di ba? Yan ang emphasis namin di ba? And we have really fought for the non- reclamation of our side of Manila bay. Kasi pag nireclaim yan walang dadaanan ang tubig from our four rivers Paranaque; Las Pinas; Zapote and Molino river na lumalabas dyan sa Manila Bay. We have to have an outlet for our water in our river.
Question: Senado binaha, dahil ba sa reclamation?
Sen Cynthia V: Oo wala naman yan dati. DI naman binabaha ang senado dati. I think it’s the result of that reclamation. Lahat naman yan ang sinasabi na yun ang reason. May major river kami sa tabi ng Senado di ba na lumalabas sa Manila Bay. Baka nahihirapan na siyang lumabas doon.
Question: Gaano ka peligroso ang bay reclamation sa Metro Manila?
Sen Cynthia V: Sa amin po talagang pinag-aralan na namin yan. We have four rivers going out of Manila Bay. Yung Molino is connected to Zapote river and yung Paranaque is connected to the Las Pinas River so interconnected kaming apat na river. Talagang pinag-aralan yan na kapag nireclaim kami babaha kami ng 6-8 meters. And that is (equivalent) to 3 storey building. Kaya talagang predicted yan ng DPWH, talagang sinabi na sa akin yan long before na wag aklong papayag kasi babahain kami. Kaya I have always fought against reclamation.
Question: So DPWH mismo ang nag inform sa inyo niyan maam?
Sen Cynthia V: Inaralan nila eh kung gaano kalaki yung baha and hindi mo naman masabi na hindi mangyayari kasi sa Marikina nga hindi isinara ang river nila, di ba pinulot sila sa roof ng 3 storey building? Sa kanila di pa sinara yung river pero umabot na sa 3rd storey ng building, eh how about kami na isasara ang river through reclamation. Lalong mas grabe yung amin diba?
Question: SONA reaction
Sen Cynthia V: Yun naman talaga ang expected di ba inflation, West Philippine Sea, at yung POGO. Yun ang na predict ko na i-touch nya eh. kasi yun ang major concern bago mag-SONA. Iflation, paano pababaan ang presyo ng bigas. Then he touched on the West Philippine Sea na sinabi niya we will demand. Atin yung west Philippine sea but we negotiate, we dont go to war. And the last one is the banning of POGOs na very welcome naman sa ating lahat ang mga sinabi nyang yon.
Q: Satisfied ba kayo sa walang mention sa anti-agricultural sabotage act?
Sen Cynthia V: Pipirmahan na niya. Nag agree na kami kasi ,may mga kinuwestiyon na mga certain items doon. Naayos na namin at pipirmahan na niya ang agricultural economic sabotage act. Wala na kaming argument doon. We have solved yung questions.
Q: Kelan expected?
Anytime na. kasi yung law pag di napirmahan naglalapse into law. Yung bill pag di napirmahan nagiging batas na after a certain period of time but i think he will sign it.
Q: DPWH warning on reclamation, P1B budget everyday sa flood control projects.
Sen Cynthia V: Di ko alam ang breakdown nun.
Q; Payo kay Camille?
Sen Mark Villar: Magaling yung kapatid ko para sa akin. Ang maganda sa kanya siya ang pinaka bata. Mas nakakarelate siya sa kabataan at matagal na siyang tumutulong sa mga kabataan. Tingin ko lang mas maganda kung magkakaroon ng representative sa mga kabataan. So yun ang payo ko sa kanya.
Q: Reactions sa SONA on 5500 flood control projects?
Sen Mark Villar: Kailangan po siguro na pag-aralan kung ano ang sanhi ng pagbaha. Nakita namin first time na bumaha sa Senado. kakausapin ko ang DPWH, gusto ko ring malaman kung anong bago bakit bumaha sa Senado at mga ibang areas, marami, nakita natin yung effect so kailangan malaman natin kaagad kung ano ang naging cause.
Yung mga agecy natin alam ko inaalam na rin nila pero ako as former secretary ng DPWH siyamepre aalamin at tatanungi ko rin kung ano ang mga causes ng baha. Ano pang kailangan gawin upang di na ulit mangyari ang ganitong pangyayari.
Q; Magpapasa po kayo ng resolusyon para imbestigahan?
Sen Mark Villar: Am sure magkakaroon din sa committee. Member din ako ng public works committee. Balak ko rin na magfile ng resolution para imbestigahan at malaman kung ano ang sanhi ng baha ngayon at parang lumala.
Q: Possible na reclamation ang dahilan?
Sen Mark Villar: I think that is very possible. So kailangan talagang makipag-coordinate sa DPWH dahil sila ang experts sa baha, marami pong experts sa DPWH. Kailangan ma-confirm natin sa lalong madaling panahon kung ano ba talaga ang main cause. Sa tingin ko may effect din naman.