25.8 C
Manila
Martes, Disyembre 3, 2024

Inatasan ni PBBM ang DENR, DoST at PCG na pag-aralan ang impact ng oil spill kasunod ng paglubog ng isang sea tanker sa may Bataan

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBIGAY ng instruction si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Science and Technology (DoST), at Philippine Coast Guard (PCG) para i-assess ang impact ng oil spill kasunod ng paglubog ng MT Terra Nova sa may Bataan.

“Can we add an instruction to the DENR to make already an assessment on the environmental impact of this?,” sabi ni Pangulong Marcos sa isang situation briefing na ginanap sa Presidential Security Command compound.

Dagdag pa niya, “Basically, what we need to assess is where was the capsized vessel? The fuel is being released, what are the tides? What are the winds? Where is it headed? Para maunahan na natin. We need some determinations of that.”

Sa situation briefing ng mga epekto ng ng Bagyong Carina at southwest monsoon (Habagat), sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na nailigtas ng mga PCG karamihan sa crew. Kinumpirma din niya ang oil spill.

Ang MT Terra Nova ay tinatayang may dalang 1,494 metric tons ng industrial fuel oil nang lumubog 3.5 nautical miles off Lamao, isang coastal barangay sa Limay, Bataan. Halaw sa ulat ng Presidential Communications Office

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -