30.4 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Natinag ba ng bumulusok na piso at mataas na interest rates ang panlabas na utang ng Pilipinas?

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

ANO ang mga external debt ratios sa Pilipinas kumpara sa mga kapitbansa sa Asya?

Ang pangungutang ay isang paraan para mapabilis ang paglago ng ekonomiya. Kung maganda ang proyektong pinaggamitan ng mga utang na ito, maisusulong ang pag-unlad na sana ay sa susunod pa na mga taon pa lang darating. Ngunit kailangang imaneho ang pangungutang para hindi maperwhisyo at mabangkarote ang kaban ng bayan pag may sakuna o pagbagsak ng ekonomiya na di inaasahan.

Ang 2023 ay sumalubong sa pagbulusok ng exports of goods, nagtataasang interest rates at malikot na exchange rates habang binabaka ng mga bansa ang pagtaas ng inflation.  Ang mga pangyayaring ito ay puwedeng maging mitsa ng BOP crisis gaya ng nangyari noong tequila crisis (1983-84) at Asian financial crisis (1997-98). Kapag bumaba ang exchange earnings gaya ng nangyayari ngayon sa buong mundo, maaaring magipit ang bansa sa kailangang foreign exchange na pambayad ng utang. Ganoon din pag tumaas ang interest rates. Baka magkulang ang foreign exchange receipts na pambayad sa utang. Ang nangyari sa Sri Lanka na naubusan ng foreign exchange reserves noong nakaraang taon ay isang masaklap na halimbawa.

Ngunit, iba na ang ekonomiya ng Pilipinas kumpara noong 1983-1984. Ngayon, maraming salik ang nakakatulong sa Pilipinas sa panahon ng kagipitan gaya ng nangyayari ngayon.

Ang una ay ang mga remittances ng mga OFWs na bumabalik na sa kanilang mga trabaho sa labas ng bansa pagkatapos ng pandemya.  Napakatatag ang foreign exchange earnings na galing sa OFW remittances. Kahit noong panahon ng global financial crisis (2008), di natinag ang pagtaas ng OFW remittances. Noong COVID crisis, bumaba lang ito nang bahagya (mas mababa sa 1% ang pagbaba) kahit maraming OFWs ang bumalik sa bansa.  Ang isang dahilan ay ang mga serbisyong ibinibigay ng OFWs ay tinatawag na socially necessary. Ang pagsisilbi ng mga nars, doctor, guro at mangagawa ay hindi maaaring isantabi kahit masungit ang panahon. Ang OFW remittances ay tumaas sa US$37.22 bilyon noong 2023, 3.2% na paglago. Patuloy ang paglago nito noong unang apat na buwan ng 2024, sa US$12.01 bilyon, 2.9% na pagtaas.


Ikalawa ay ang mga investor na Pilipino na nagsimula nang magtala ng malagong kita sa kanilang pamumuhunan sa ibang bansa. Tumataas na ito—mula US$11.8 bilyon noong 2005, umabot na ito sa US$32.2 bilyon noong 2022.

Dahil sa mga ito, bumilis ang paglago ng Gross National Income (GNI) na kung saan kasama ang income ng mga Pilipino na nanggagaling sa labas ng bansa. Noong 2023, umarangkada ang real GNI ng bansa sa 10.4%, ang pinakamataas na GNI growth na na-attain ng bansa at isa sa pinkamataas sa buong mundo. Noong unang quarter ng 2024, umakyat ito ng 9.7% kumpara sa nakaraang taon.

Dahil sa malagong GNI, bumababa ang ratio ng external debt sa GNI. Kahit tumaas ang external debt ng 12.7% noong 2023, bumaba ang ratio ng utang sa GNI sa 25.9%, mas mababa kaysa 27.1% noong Marso 2023. Napanatili ng Pilipinas ang 25.9% ratio noong first quarter ng 2024.   (Table 1)

Ang ikatlong dahilan, kapag may sakuna o economic recession, kailangang umutang ng dagdag na kapital para makausad palabas mula dito. Noong panahon ng pandemya, umutang ang bansa ng P3 trilyon para maibsan ang epekto nito at tulungan ang mga manggagawang nawalan ng trabaho. Nagbigay ang pamahalaan ng ayuda sa mga nawalan ng trabaho at bumili ng bakuna para panlaban sa nakamamatay na sakit. Kailangan lang pag umutang para sa consumption (at higit sa kailangan ng inprastruktura), kailangang magtipid sa mga sumusunod na taon. Kailangan ng tinatawag na fiscal consolidation o panahon para bawasan ang gastusin para mapababa ang lebel ng utang. Kapag mabigyan ng panahon ang ekonomiya na lumago at palakasin ang capacity to pay para magbayad ng utang.

- Advertisement -

Nagsimula na ang fiscal consolidation program ng pamahalaan. Noong 2023, bumaba ang deficit ng National Government (NG) sa P1.5 trilyon, 6.2% ng GDP mula sa P1.6 trilyon at 7.3% ng GDP noong nakaraang taon. Ngayong 2024, ang programa ay panatilihin ang deficit sa P1.5 trilyon ngunit mas mababa ang ratio sa GDP na 5.9%.  Ito ang dahilan kung bakit 1.4% lang ang paglago ng public debt noong unang quarter ng 2024.

Dahil sa pagtaas ng interest rates at pagbaba ng exports, tumaas ang ratio ng external debt service sa Exports of Goods & Services, Primary Income and Secondary Income. Mula 6.7% noong 2019, ito ay umakyat sa 10.2% noong 2023, ngunit bumaba ito sa 9.4% noong Enero hanggang Abril 2004.

Kapag ikumpara ang debt ratios noong 2022/23, mas mababa ang external debt ratios ng Pilipinas kumpara sa mga kapitbansa sa Asia maliban sa debt-to-exports and remittances ratio.  Ang debt-to-GNI ratio ng Pilipinas ay 25.9%, mas mababa kumpara sa average ng 7 Asian countries na 35.2%  Pangatlo sa pinakamababa ang ratio ng Pilipinas. Ngunit mas mataas nang bahagya ang external debt-GNI ratio as % of exports na 78% kumpara sa 70% ng mga kapitbansa. Pangatlo ang PIlipinas na pinakamataas. Nanguna sa Pilipinas ang Indonesia at Malaysia. Ngunit hindi ito nakababahala dahil mahaba ang average maturity ng mga panlabas na utang ng Pilipinas—16.7 years. Ang ibig sabihin, 16.7 years pa bago kailangang bayaran ang mga utang na ito. Malaking bahagi o 87% sa mga utang na ito ay medium- and long-term. Ang short-term debts ay 13% lamang at related pa sa export financing. Ang ibig sabihin nito, ang panlabas na utang ay may kaakibat na pambayad in terms of foreign exchange.

Kumpara sa pitong bansa sa Asya, mas mababa rin ang debt service ratios ng Pilipinas. Aabot lang sa  6% ang ratio ng Pilipinas sa exports at remittances kumpara sa 11% na average ng mga kapitbansa, at 2% lang sa debt service-to-GNI kumpara sa 4% average. Malalim ang bulsa ng Pilipinas kapag pambayad sa utang ang pinag-uusapan.

 

Table 1. EXTERNAL DEBT & RATIOS 2019 2020 2023 2024 % Change ’24/’23
EXTERNAL DEBT OUTSTANDING, US$ Billion
  End-December 83.6 98.5 125.4 ..
  End-March 80.431 81.421 118.812 128.7 8.3%
      PERCENT GROWTH YOY 5.9% 17.8% 12.7% ..
    Public Sector 42.80 50.9             77.83             78.90 1.4%
    Private Sector 37.6 30.5             40.98             49.80 21.5%
EXTERNAL DEBT OUTSTANDING, % of GNI
  End-December 20.2% 25.3% 25.9% ..
  End-March 20.7% 19.5% 27.1% 25.9%
AVERAGE MATURITY, MEDIUM- AND LONG-TERM EXTERNAL DEBT, YEARS
End-December 16.7 17.0 17.2 16.7 -2.9%
    Public Sector 20.9 16.8 20.3 19.6 -3.4%
    Private Sector 7.4 7.4 7.2 7.7 6.9%
 EXTERNAL DEBT SERVICE, % of Exports of Goods & Services & Primary Income
  January-December 6.7% 6.7% 10.2% ..
  January-April 4.8% 7.4% 13.0% 9.4%
PRINCIPAL PAYMENTS ON EXTERNAL DEBT, % of Exports of Goods & Services & Primary Income
  January-December 4.3% 4.4% 5.3% ..
  January-April 2.3% 5.0% 8.3% 4.3%
INTEREST PAYMENTS ON EXTERNAL DEBT, % of Exports of Goods & Services & Primary Income
  January-December 2.4% 2.3% 4.9% ..
  January-April 2.4% 2.4% 4.7% 5.1%
Source: Bangko Sentral ng Pilipinas

 

- Advertisement -
Table 2. EXTERNAL DEBT RATIOS
               External debt stock External debt service
% of GNI % of Exports & Remittances % of GNI % of Exports & Remittances
2023 2022/23 2022/23 2022/23
Philippines 25.9% 78% 2% 6%
Indonesia 31.0% 116% 5% 21%
Malaysia 62.2% 90% 3% 12%
Thailand 37.2% 52% 9% 12%
China 13.7% 57% 2% 10%
India 18.7% 64% 2% 7%
Vietnam 36.0% 33% 7% 6%
AVERAGE 32.1% 70% 4% 11%
Sources of basic data: World Bank, IMF  & Bangko Sentral ng Pilipinas

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -