HATID ng Department of Science and Technology-National Capital Region (DoST-NCR), DOST- Philippine Textile Research Institute (DoST – PTRI), Partnerships for Sustainability Education (PSE), at Intramuros Administration ang “Tiny Thread Talk: Weaving Workshop for Kids,” isang natatanging pagkakataon para sa mga kabataan mula sa mga partner communities ng DOST-NCR na matuto ng paghahabi at pag-gagantsilyo.
Sabay-sabay tayong maghabi ng magagandang alaala at mga natatanging likha sa ika-29 ng Agosto 2024, 9:00 AM-12:00 PM sa Centro de Turismo, Intramuros, Manila.
Samahan natin ang ating mga kabataan sa pagpapayaman ng ating sining at kultura.