AABOT sa 1.1 milyong minimum wage earners sa National Capital Region (NCR) ang inaasahang makikinabang sa P85 dagdag sa arawang sahod na inaprubahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB), ayon sa isang opisyal ng Palasyo ngayong Lunes.
Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dagdagan ang arawang sahod ng mga manggagawang Pilipino.
“Inanunsyo na ng Department of Labor and Employment ang dagdag na P85 na daily wages sa mga manggagawa sa National Capital Region.”
“Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, ang hakbang na ito ay ayon sa tagubilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itaas ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino,” ayon kay Castro.
Sinabi ni Castro na ipatutupad ang umento sa sahod sa dalawang yugto.
Ang unang P60 ay matatanggap ng mga manggagawa simula Hulyo 19, habang ang ikalawang P25 ay ipatutupad naman sa Enero 2027.
“Aabot sa mahigit 1.1 million minimum wage workers sa NCR ang makikinabang sa nasabing increase,” dagdag pa ni Castro. | PND

